Home » Articles » Legal Advice

Maari bang kanselahin ang lease contract dahil sa ECQ?

Maari bang kanselahin ang lease contract dahil sa ECQ?
"Dear Attorney,

Tuluyan ko na pong isinara ang aking negosyo mula nang ipa­tupad ang enhanced community quarantine (ECQ). Ang problema ko po ay ang lease contract ko sa inuupahan kong building. May anim na buwan pa kasing natitira sa kontrata at ayaw pong puma­yag ng landlord na kanselahin na lang ito. Iginigiit niya ang napagkasunduan namin kaya dapat daw ay tuparin ko ang obligasyon kong magbayad ng renta hanggang sa matapos ang kontrata. Tama po ba siya?--Ellen

Dear Ellen,




Kailangan mong tingnan ang lease contract n’yo ng landlord mo. Basahin mo kung may probisyon bang nakasaad na tumutukoy sa “force majeure,” “acts of God,” o iba pang katulad na kataga at tingnan mo kung ano ang epekto nito sa pagtupad sa mga obligasyong nakasaad sa kontrata.

Ang force majeure ay ‘yung mga kaganapan na hindi inaasahan o kung inaasahan man ay hindi mapipigilan, katulad ng nangyayaring pandemic na hindi naman inaasahang magdudulot ng malawakang pagkaantala sa takbo ng negosyo.


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });



Kung walang nakasaad ukol sa force majeure o kung mayroon man at nakasaad na makakatakas ang mga partido sa pagtupad sa kanilang mga obligasyon ay maaring hindi mo na bayaran ang mga renta dahil nawalan ka ng kakayahan matapos ipatupad ang ECQ.

Kung mayroon namang nakalagay ukol sa force majeure at nakasaad na sa kabila nito ay kailangan pa ring tuparin ang mga napagkasunduang obligasyon, wala kang magagawa kundi sundin ang kontrata at bayaran ang renta para sa mga natitirang buwan.

Maari mo namang hilingin na bigyan ka ng 30 araw na grace period para bayaran ang mga upa mo na pumapatak nga­yong panahon ng ECQ at bayaran ang mga ito ng hulugan sa susunod na anim na buwan." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maari bang kanselahin ang lease contract dahil sa ECQ?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 618 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Hzqytw [Entry]

atorvastatin online buy <a href="https://lipiws.top/">order atorvastatin 10mg sale</a> order lipitor 80mg pills