Home » Articles » Legal Advice

Maari bang alisin sa trabaho ang empleyado dahil sa sakit?

Maari bang alisin sa trabaho ang empleyado dahil sa sakit?
"Dear Atty.,

Nagtatrabaho po bilang messenger sa opisina ang aking ama. Noong February ay nai-stroke po siya pero nakapagpagaling din naman siya nang lubusan. Ngayon pong gusto na niyang bumalik sa trabaho ay hinahanapan po siya ng medical certificate ng kompanya upang masiguradong maayos na ang kalusugan niya. Kung wala raw maipakikitang medical certificate ang aking ama ay hindi raw siya makakabalik sa trabaho at baka kumuha na sila ng ibang messenger. Maari po bang alisin sa trabaho ang ama ko dahil nagkasakit siya? -- Jenny

Dear Jenny,




Sa ilalim ng Article 299 ng ating Labor Code ay maaring matanggal sa trabaho ang empleyado dahil sa kanyang sakit ngunit kailangang hindi lamang ito basta-bastang sakit.

Kailangan na (1) ang patuloy niyang pagtatrabaho ay labag sa batas dahil sa taglay niyang sakit; (2) makakasama hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa kalusugan ng mga kasamahan niya ang patuloy niyang pagtatrabaho; (3) may sertipikasyon mula sa mga kinauukulan na ang sakit niya ay hindi magagamot sa loob ng anim na buwan.




Patungkol sa pangatlo, kung kaya namang gamutin ang sakit sa loob ng anim na buwan ay maaring sabihan na lang ang empleyado na mag-leave of absence na lang hanggang siya ay makapagpagaling.

Malinaw sa ilalim ng batas na bagama’t maaring dahilan ang sakit sa pagkakatanggal sa trabaho, kailangang sertipikadong malubha ito kaya base sa iyong inilahad ay hindi maaring gamitin na dahilan ang pagkaka-stroke ng iyong ama upang siya ay tanggalin sa trabaho lalo na’t ayon sa iyo ay nakapagpagaling na naman siya. Masasabing illegal dismissal kung sakaling tanggalin ang iyong ama base sa kasalukuyang kondisyon ng kanyang kalusugan.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang payong nakasaad dito ay base lamang sa mga impormasyong inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maari bang alisin sa trabaho ang empleyado dahil sa sakit?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 637 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Goilar [Entry]

buy atorvastatin 20mg pills <a href="https://lipiws.top/">lipitor 10mg us</a> atorvastatin 10mg uk