Home » Articles » Legal Advice

Dulot ng hindi pagbabayad ng real property tax

Dulot ng hindi pagbabayad ng real property tax
"Dear Attorney,

Dahil po medyo gipit ako nitong mga nakaraang taon ay nakaligtaan ko po ang pagbabayad ng real property taxes. Ano po ba ang maaring mangyari kung tuluyan po akong hindi makabayad? --Deo

Dear Deo,




May mga pananagutan ang mga hindi makapagbabayad ng real property tax at ang pangunahin sa mga pananagutan na ito ay ang pagbabayad ng interest sa halaga ng real property tax na hindi pa nila nababayaran.

Ayon sa Local Government Code, papatungan ng 2% na interest kada buwan ang buong halaga ng real property tax na hindi pa nababayaran ng delinquent na taxpayer.




Ang 2% interest na ito ay ipapataw hangga’t hindi nababayaran ang buong halaga ng real property tax ngunit ayon din sa Local Government Code ay hindi maaring maging higit sa 36 buwan ang pagpapataw ng interest na ito o katumbas ng 72% interest.

Ano ang mangyayari kung higit sa 36 buwan na ay hindi pa rin nakakapagbayad ang taxpayer? Ayon sa Local Government Code ay maari nang i-levy o kuhanin ng lokal na pamahalaan ang real property na pinatawan ng tax na hindi nababayaran sa pamamagitan ng pagkuha ng warrant. Maari ring magsampa ng kaso ang gobyerno upang makolekta sa delinquent taxpayer ang halaga ng buwis na hindi pa niya nababayaran.

Base sa mga nabanggit ay makikitang napakahalaga ang pagbabayad sa tamang oras ng real property tax dahil siguradong mas malaking sakit sa ulo lang ang magiging dulot sa iyo kung babalewalain mo ito.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Dulot ng hindi pagbabayad ng real property tax" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 687 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0