Home » Articles » Legal Advice

Ano ba ang subpoena?

Ano ba ang subpoena?
"Dear Attorney,

Nakatanggap po ako ng subpoena mula sa city prose­cutor’s office. Wala pa po akong nakukuhang abogado kaya hindi ko po alam ang gagawin ko. Makukulong po ba kaagad ako? —Rhen

Dear Rhen,




Ang subpoena, kapag ang pinag-uusapan ay mga kriminal­ na kaso, ay ipinadadala ng nag-iimbestigang piskal sa respondent ng isang criminal complaint bilang bahagi ng preliminary investigation. Kung babasahin mo ang nakasulat sa subpoena na ipinadala sa iyo, nakalagay na kailangang magsumite ka ng iyong counter-affidavit kung saan maari mong pabulaanan ang krimeng iniaakusa sa iyo. Kailangan mo ring isumite kasama ng counter-affidavit ang mga dokumento at iba pang mga ebidensiya na susuporta sa iyong depensa.

Ipapayo ko sa iyo na kumuha ka na kaagad ng abogado na pag-aaralan ang iyong kaso. Sa preliminary investigation kasi titingnan ng fiscal kung may sapat bang dahilan upang ituloy sa korte ang paglilitis sa kaso. Kung hindi ka makapagpasa sa takdang araw ng iyong counter-affidavit o kung makapagpasa ka man ngunit nakita ng piskal na may sapat na ebidensiya ang inirereklamong krimen sa iyo ay iaakyat na niya ang reklamo sa korte upang masimulan na ang paglilitis sa iyo.




Hindi ka naman kaagad makukulong sa ngayon dahil katulad ng nabanggit ko, pag-aaralan muna ng fiscal kung may sapat bang ebidensya ang nagrereklamo sa iyo. Titimbangin din niya ang anumang depensa na ilalatag mo at saka lamang siya magdedesisyon kung  aakyat ba ang kaso sa husgado. Kung iniakyat niya ang kaso ay saka ka lamang maaring maisyuhan ng warrant of arrest ng korte upang ikaw ay ipaaresto at ipakulong." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano ba ang subpoena?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 992 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0