Ang " mabulaklak na dila" ay isang sawikain (idiomatic expression) na ang ibig sabihin ay " may kakayahang humikayat ng iba sa pamamagitan ng mga magagandang pananalita"
Ang taong may " mabulaklak na dila" ay nakakaenganyo ng ibang tao totoo man o hindi totoo ang sinasabi.
Mga Halimbawa na mga Pangungusap Gamit ang "Mabulaklak na Dila"
- Si Pastor Quiboloy ay may "mabulaklak na dila" kaya hindi nakapagtataka na marami ang umaanib sa kanyang itinayong relihiyon.
- Karamihan sa mga mandaraya ay may "mabulaklak na dila" kaya maraming nahuhumaling sa kanilang pananalita.
- Isa sa mga magagandang katangian ng isang mahusay na lider ay ang pagkakaroon ng "mabulaklak na dila" upang maraming tao ang mahikayat na gawin ang gusto niya na nakakabuti naman sa karamihan.
- Ang artistang si Vice Ganda ay may "mabulaklak na dila" kaya naman napakaraming mga tao ang natutuwa at natatawa sa kanyang mga sinasabi.
- Kapag komedyante ka, dapat "mabulaklak ang dila" mo. Paano ka makakahikayat ng tao na tumawa kung hindi ka marunong magpatawa o kung hindi "mabulaklak ang dila" mo?
Meron ka bang gustong sabihin tungkol sa sawikain na "mabulaklak na dila"? Sabihin mo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/
Please support us in writing articles like this by sharing this post
Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Ano ang ibig sabihin ng Mabulaklak na Dila?" was written by Mary under the Filipino category. It has been read 15485 times and generated 1 comments. The article was created on 07 March 2021 and updated on 07 March 2021.
|