Ito ang abisong pang-seguridad ng BDO sa kanilang mga accountholders:
Minamahal Naming BDO Customer,
Aming napansin kamakailan ang pagdami ng mga pagtatangkang magsagawa ng electronic fraud na karaniwang ipinadadala sa pamamagitan ng mga e-mail messages sa mga account holder ng BDO at ibang mga bangko.
Wari'y galing sa BDO, pinapapalitan ang mga User ID at Password sa isang pekeng website. Nakukuha ng website ang mga kompidensiyal na impormasyon para gamitin sa pagpasok sa mga Online Accounts at magalaw ang pondong nakapaloob dito.
Mahigpit naming binabantayan ang internet para sa ganitong mga scam. Kami rin ay nagsasagawa ng mga dagdag pang proseso para mapigilan ito. Ngunit dahil sa lawak ng internet at dahil nasa labas din ng BDO system security ang mga pagtatangkang ito, kayo'y aming pinapayuhan na laging mag-ingat sa paggamit ng Online Banking.
Mga mahalagang paalala:
1. Lahat ng opisyal na komunikasyon ng BDO ay mula sa opisyal na BDO e-mail addresses na may "@bdo.com.ph". Hindi kami nagpapadala ng anumang anunsiyo gamit ang Yahoo, Hotmail, Gmail o iba pa.
2. Huwag ibahagi ang inyong User ID at Password kanino man.
3. Ang sensitibong impormasyon ay gamitin lang sa login page o sa pagpapalit ng password sa loob ng www.bdo.com.ph.
4. Huwag pumasok sa mga link na nakapaloob sa mga kahina-hinalang e-mail. Para makasiguro, ilagay ang www.bdo.com.ph sa internet browser at piliin ang Online Banking Login.
Kung kayo'y naapektuhan, palitan agad ang inyong Password at tumawag sa BDO Customer Contact Center sa mga numerong ito:
Metro Manila: 631-8000
Local Toll-Free:
1800-10-631-8000 (PLDT)
1800-3-631-8000 (Digitel)
1800-5-631-8000 (Bayantel)
1800-8-631-8000 (Globelines)
Global Toll-Free: (Country Code)-800-8-6318000
e-Mail: callcenter@bdo.com.ph
Maraming salamat po.
BDO Electronic Banking
Sa tingin niyo, mas "safe" kaya ngayon kesa noong una ang paggamit ng online banking ng BDO?
- https://www.affordablecebu.com/