Home » Articles » Real Estate

5 Simple Steps Bago Bumili ng Lupa sa Pilipinas (Philippines)

Para maiwasan ang problema sa hinaharap sa pagbili ng lupa dito sa Pilipinas (Philippines), narito ang mga SIMPLE STEPS na dapat gawin bago bumili ng lupa:
Steps Bago Bumili ng Lupa sa Pilipinas (Philippines)
 

Step 1

Unang-una basta't dumating yung ahente (real estate agent) o kaya yung may-ari ng lupa at sinabing pinagbibili niya ang LUPA niya, ang UNANG KUKUNIN MO ay yung kopya ng TITULO.

Sapagkat dapat mag-imbestiga ka doon sa REGISTER OF DEEDS. May xerox copy ka ng titulo ng lupa, pupunta ka doon, Kasi malay mo may mga PASANIN (problema) yang lupang yan:
  • nakaprenda/nakasanla
  • may nagki-CLAIM na iba
Dapat makita mo yon. Dapat malinis. Sapagkat yang kopyang yan dapat eksaktong-eksakto doon sa kopya ng Register of Deeds. Hindi sila nagkakaiba. Kaya malalaman mo kung PEKE, may mga PASANIN, o kaya may mga PROBLEMA ang lupa.

Step 2

Halimbawa't nakita mo na, na wala palang problema, ok ang ganda, mag-eexecute kayo ng DEED of SALE na tinatawag. Pagka nag-eexecute kayo ng DEED of SALE o "Kontrata ng Pagtitinda", pipirmahan nyong dalawa, nung nagtitinda at tsaka nung bumibili at inonotarized yon.

Step 3

Within 1 month from notarization, magbabayad ng unang bayad. Ang tawag dun, DOCUMENTARY STAMPS. Dapat bago matapos ang buwan ng pagpipirma, magbabayad ka ng DOCUMENTARY STAMPS.

Step 4

Pagkatapos nun, yung nagtinda, sya rin ang magbabayad ng tinatawag na CAPITAL GAIN TAX. Kasi kumita siya, magbabayad siya sa BIR.

At ang BIR ang mag-iissue nung CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER, isang certification na sinasabi sa Register of Deeds na bayad na yan ng lahat ng mga taxes at pwede mo ng ilipat ang pangalan ng titulo dyan doon sa bumili.

Step 5

Basta nakita mo na yan (CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER), dadalhin mo yan sa Register of Deeds, yun ang huling yugto. Sasabihin ng Register of Deeds, heto ang huling bayad, Transfer Fees. Pag bayad na yon, hindi masyadong mahal yon, hayan na, kukunin na ng Register of Deeds lahat.

Isusurender na ang OWNERS' COPY ng titulo at maghihintay ka na. At yan kelangan mo ng follow-up. Dahil nga sa Register of Deeds, medyo tatagal yan. Kaya kelangan ng follow-up ng follow-up.

Kung may mga tanong po kayo o gustong sabihin, ipost niyo lang po sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"5 Simple Steps Bago Bumili ng Lupa sa Pilipinas (Philippines)" was written by Mary under the Real Estate category. It has been read 157700 times and generated 154 comments. The article was created on and updated on 14 April 2018.
Total comments : 153
Vkjwkp [Entry]

brand lipitor 40mg <a href="https://lipiws.top/">lipitor 40mg canada</a> lipitor 80mg for sale
Jesus esteron [Entry]

My lot property po ako sa subdivition santa lucia developer ibinenta ko na po pero may sisingil sa aki un buyer ng utilties fee or extra fee, maintenance fee.
JOHN CHRISTOPER TAMBAN RAMOS [Entry]

GUD DAY PO!

cnu Po Ang dapat magbayad ng pasukat ng lupa?
Deed of sale?
Raul [Entry]

Magkano o ilang percent po un dapat na paunang bayad?
Salamat po!
Helen [Entry]

Paano po kung nasa ibang bansa ang seller ng lupa? Paano po namin yun mapprocess?
Mary Ann [Entry]

Paano po Kung verbal at write lang pirmahan lang po sa barangay Anu Po Ang dapat na hingiin ko sa nagbebenta NG lote
Nep Jay E. Galvez [Entry]

Hello po! may tanong po sana ako. about sa nabili po naming lote. kasi dapat ang binilhan namin ng lote ang magbabayad ng Capital Gain Tax? sa situation po kase namin eh kami ang nagbayad ng Capital Gain Tax. ngayon ko lng po nalaman. Pwede pa po ko ba e demand na marefund po yun sa nagbenta ng lote?
manilyn Espinosa [Entry]

Ano po Ang mabuting Gawin gusto Kong magkaroon Ng patunay na akin Ang lupa, nabili ko Kase sa aming kamag anal pero Hindi talaga Siya Ang may Ari , binigay lang Ang lupa sa kanila pero walang papeles na pinirmahan.
Michael john Bulahan [Entry]

Tama po bang mahawakan ng engr ang blue print ng lupa kapag nabayaran mo na ang lupang nabili mo?.
Diseree Avendano [Entry]

nais po nming bumili ng lupa kahati ang aking bayaw, ibig qo pong sabihin paghahatian po nmin ung lupa pati ang pambili. nais qo pong malaman, puede po bang pangalan ng bayaw qo (at asawa nia) at kapatid nia (at ako bilang asawa) ang ipangalan sa lupa? at kung puede bang mahati ang mismong titulo sa dalawa sakaling matapos na ang bayaran? nais qo po sana na magkaroon ng kaseguruhan na sakaling magkaroon cla ng problema ay naka-seguro na na hindi rin magkaka problema ang tungkol sa hatian ng lupa.
Ricardo Lewis Jr [Entry]

Pano Po kung tax declaration lang Ang hawak Ng my Ari Ng lupa?
jomz [Entry]

pg bumili po ba s mga subd. e sino po ba ang mg babayad pg pina tranfer ung titulo ung owner po b o ung buyer
Laila [Entry]

Kailangan po bang matapos lahat ng step bago bayaran ang napagkasunduang bayad ng lupa?
REYNA MAE P REUYAN [Entry]

Tanong lang po. Paano kung naka Mother Title pa yung titulo ngunit may nakuha po na Certification of Occupancy ang aming papa na nilagdaan o ibinigay ng kanilang namayapang ama. Ano po ang dapat gawin? Certificate of Occpancy or Certification pa lang ang naibigay sa aming ama sa namayapa naming Lolo. Pumanaw na din pala yung papa namin na hindi pa na transfer of tittle kasi naka Mother Title pa kasalukuyang meron pa mga kapatid nya na kahati.
Janet [Entry]

Good day po! Matanong ko lang po may gusto po akong bilhin na lote.ang tanong ko po maaari po bang naka pangalan sa akin yung lote na bibilhin ko kahit wala ako sa pinas para pumirma?nasa ibang bansa po kasi ako at di makauwi dahil sa covid.sabi po kasi nung seller pwedi naman po ipangalan sa akon kahit wala ako.pwedi po ba yun??Please i need your advice po.thank you
SARAH JANE ANTONIO [Entry]

Kailangan po bang present pareho ang buyer and seller ng lupa sa mismong law office o notary public pag magpipirma sila ng deed of sale?
jen [Entry]

good day po. ask ko lang paano po pag rights lng po ang lupang bibilhin? paano po ang proseso?
Rio Gines [Entry]

Paano po kung namatay n ung nag benta ng lupa tapos naghahabol ang mga anak kasi nung pinasukat nmin ang lupa Kung anu nakalagay s copy ng titulo Un ang sinundo malaki pla ang lupang nbili.. Kaya naghahabol cla paano po Un nakaprocess n po ung titulo n bago may habol pba cla dun salamat po
Emmothep [Entry]

Paano po malalaman kung ang nabiling lupa (sangla tira) ay nakasangla pala sa bangko.
Louie [Entry]

Pano po npag mother tittle pa ang tito hindi nkapangalan sa nag bnemta pro binigay n s knya ang lupa ngayo ibbemta nya .ano ng mga papel n kailngan kung kunin s nagbbemta
Jovy Rose Arbolado [Entry]

Hi ask ko lang po kasi ang problem ko is natapos ko na po bayaran un unit friend ko po un may ari pero hindi na po namin tnransfer sa pangalan ko un unit dahil ang usapan namin is ibebenta ko din naman so para makasave ng money is hindi na lang tatransfer sa akin un title gusto ko lang po makasigurado kung nakasanla po ba un unit sa banko or what kasi may narerecieve po ako na mga letter galing banko.ano po dapat ko gawin kung ito po ba ay nakasanla sa banko? Thanks.
noli gapasin [Entry]

paano pag government property then gusto kung bilhin ung lupa saan po ako pupunta sa municipal assessor po ba or sa capitol ng province po?
MELVIE [Entry]

Good Day po... Ask ko lang po ano po ba ang better bilhin ung lot sa individual, developer o ung mga lote na foreclosed ng bank? Thank you po
Ria Barrientos [Entry]

Hello Po may binibili Po Kasi akong Lupa gagawin daw Po iyon na subdivision nakapag bigay na din Po ako Ng downpayment.. Tama Po ba na Ang ibibigay Lang sa akin is Yung certificate of occupancy Kasi Po 5years to pay Po siya at anu ano pa Po dapat Ang hingin ko na documents salamat Po sa pag tugon.
Leoncio Quientela [Entry]

Good day po. Tanong lang po, ano po ang dapat kong gawin sa lupang aking bibilhin. Ang problema po, ang lupa ay nakapangalan sa tatay ngunit ito ay patay nang matagal kaya ang anak na kapangalan ng kanyang tatay na ang siyang nagbabayad ng buwis. Ngayon po yung titulo ay hindi pa napapalipat sa pangalan nung anak ng may-ari ng lupa pero nagbebenta na po sya ng mga property na hindi pa sa kanya nakapangalan. Matagal na pong patay ang tatay niya ay hindi pa rin nya inaasikaso ang pagpapalipat sa kanyang pangalan. Sa pagkaka-alam ko po ay talagang di pa rin po sa kanya nakapangalan ang titulo, pero pinupwersa nya kami na magbayad na ang palagi naming hinihiling sa kanya ay ipalipat na sa pangalan nya ang titulo ng lupa. Sabi naman po nya ay aasikasuhin na nya, ngunit hanggang ngayon ay di pa rin po nya naaasikaso. Ngayon po sya po ay nagkasakit at wala ng kakayahan na asikasuhin ang mga dokumento na aming nais na makita kung sa kanya na nakapangalan ang titulo. Siya po ay may isang anak na babae at nasa ibang bansa, ang anak po niyang ito ay nagtalaga ng tao na naniningil ng pwersahan sa amin. Ano po sa palagay niyo ang dapat naming gawin upang maproteksyunan namin ang aming bibilhing lupa? Salamat po inyong tugon?
den mark santos [Entry]

pano po yung pag-process ng pagpapalipat/pagpapalit ng pangalan sa titulo ?
Jennifer francisco [Entry]

Ano ano poba ang dapat na ibigay na requirements ng nagbenta sa bibili kung mother tittle po ung kapirasong bibilin dahil nakaparte parte po s mag kakaparid n iba at ung iba po ay patay na maraming salamat po s pagsagot
Mine [Entry]

Meron po kasing lupang sinasaka ang magulang ko almost 60 years na sila doon ang may ari po ng lupa na iyon ay yung pinsan ng father ko. Ngayon po may bumili ng lupa sa katabi ng lupain nila nagkagulo po kasi sabi ng father ko parte sa tinirikan nun bumili ay pag aari pa ng lupain ng pinsan nya. Ano po ba tamang proseso para mapatunayan ng father ko na pag aari ng pinsan nya ang lupain na iyon? Pahingi na rin po ng guide paano at saan kami na mga opisina dapat pumunta? Salamat po
Reynaldo [Entry]

after po mabayadan ang lupa ..deretso na sa BIR ..pano po kung hindi mo kaaagad sa BIR mayron po ba yang penalty?
aira [Entry]

Hello po, Magandang araw! Tama po bang bilhin ang lupa na idinonate ng gobyerno? tama bang magpalayas sila agad kahit alam nila na wala kaming ibang matitirahan? hindi po ata makatao ang ganon. :( Kailangan ko po ang inyong kasagutan na makakatulong po saamin. Maraming slamat po! ^_^
1 2 3 4 5 »