Bakit kailangang mag-ingat sa Pagbili ng mga Regalo sa Pasko?
Palapit na ang pasko, panahon na naman ng pagkutitap ng mga parol at ang pagbibigay at pagtanggap natin ng mga regalo.
Sa kadahilanang ito muling pinaalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na maging maingat sa pagpili ng mga laruang ipanreregalo.
Bilin ni Health Secretary Janette Garin na huwag lamang isipin ang halaga na maaaring magastos kundi pati rin ang kalidad nito.
Ayon sa DOH kailangang matibay, angkop sa edad at kapasidad ang dapat na bilhing regalo lalo na't kung ito'y ibibigay sa bata.
Nagbigay naman ng listahan ang ahensya sa maaaring ipanregalo sa mga batang sanggol hanggang isang taong gulang.
Para sa mga sanggol at edad isang taong , makukulay na laruan ang dapat na ibigay tulad ng rattle at malambot na bola.
Sa mga toddler o edad dalawa hanggang tatlong taong gulang naman maaari ang mga wooden blocks, kotse-kosehan, manika, modeling clay, at rocking horse ang pwedeng iregalo sa kanila.
Dagdag pa ng DOH hindi dapat bigyan ang mga bata na may edad tatlong taon pababa ng mga laruang may laking 1.75 inches dahil madali nila itong malulunok.
Pinaalala rin nila ang mga kemikal na dala ng mga di ligtas na laruan at ang mga epekto nito sa mga gagamit.
Pahayag nila na dapat na masusuri na ligtas ang laruan at kung sertipikado ba ito ng Food and Drugs Association (FDA) sa paraang ito masisigurong ligtas din ang mga batang gumagamit nito. - https://www.affordablecebu.com/