Sustansyang Maaaring Makuha sa Malunggay
Ang malunggay ay isang halaman na kilala dahil sa mga nabubuong dahon nito na masarap ulamin.Tumutubo ito karaniwan sa mabababang lugar sa Pilipinas, may maliit na puno at ang dahon ay bilog-bilog.
Napatunayang mayaman ang halamang ito sa mga mahahalagang bitamina at mineral.
Ang halamang-gamot na malunggay o Moringa Oleifera ay madaling patubuin.
Nabubuhay ito kahit saan itanim hanggat mayroong sapat na tubig at hindi masyadong naiinitan ng araw.
May bunga ito na pahaba na tila sitaw at ang bulaklak ay maputi at mahalimuyak ang amoy.
Halos lahat ng parte ng malunggay ay maaring mapagkukunan ng iba't ibang uri ng bitamina at sustansya na may benepisyo sa kalusugan.
Ang buto ay may langis na behen-behen oil na may taglay na pilmitic, stearic myristic, oleic at behenic acids.
Ang ugat naman ay mayroong alkaloid na moringine at moringinne.
Ang mga dahon nito ay mayaman sa calcium, iron, phosporus at vitamins A,B, at C.
Ang bunga nito ay may taglay rin na protina at phosphorus, calcium at iron.
Maaari ring gawing panlunas sa iba't ibang karamdaman ang malunggay.
Pwede lagain ang dahin nito at ipa-inom sa mga hirap sa pagdumi.
Ang malalang sugat na matagal maghilom ay maaaring hugasan gamit ang pinaglagaan ng ugat ng malunggay.
Ang dinikdik na dahon na hinalo sa langis ng niyog ay mainam din ihalo sa pinaglagaan ng malunggay sa paglilinis o dressing ng sugat.
Nakatutulong naman ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng malunggay sa pagpapadami ng gatas ng nagpapasusong ina.
Lunas din ito sa altapresyon, hika at rayuma.
Ginagamit na rin na pampurga sa mga bulate sa tiyan at bituka ang mga buto nito.
Madali lang patubuin ang malunggay at hindi magastos.
Kaya magtanim ng malunggay sa inyong bakuran upang mapakinabang ang mga benepisyong dala ng halamang ito. - https://www.affordablecebu.com/