Kaya tanong sa sarili mo, "Pwede ko bang ibenta ang lupa na hindi naman nakapangalan sa akin (o hindi ko pagmamay-ari)?"
Sagot
Opo. Pwede mong ibenta ang lupang nabili mo at hindi pa nakapangalan sa iyo. Legal ito.Pero dapat mong sabihin sa buyer ng lupa mo, na hindi mo pa nailipat sa pangalan mo ang lupang ito.
Nang sa ganun, malalaman ng buyer anong prosesong dapat gawin kung ililipat na niya ang pangalan ng titulo sa kanya.
Maaaring itanong pa ng iba, "Paano kung panglimang buyer ka na at nasa original owner pa ang pangalan ng titulo ng lupa? Pwede pa rin bang ibenta ito?"
Opo. Pwede pa rin kahit pangsampung buyer ka pa.Kung buyer ka, ano ang panghahawakan mong katibayan na ikaw na ang may-ari ng lupa?
Kung buyer ka at wala kang balak ilipat ang pangalan ng titulo ng lupa sa iyong pangalan, dapat magpagawa kayo ng Deed of Absolute Sale sa pagitan mo at ng seller ng lupa. Ito ang magpapatunay na binenta sa iyo ang lupa at may kaukulang karapatan ka kahit anong gawin mo sa lupa.Kung gusto mong ilipat ang pangalan ng titulo ng lupa sa iyo, mas mabuti dahil magkakaroon ka ng oportunidad na maisangla ang lupa sa bangko, sa cooperative o sa isang financial institution.
Anu-ano ba ang dapat tiyakin sa pagbili ng lupa kung hindi ito nakapangalan sa nagbebenta o may-ari nito?
Kung may balak kang bumili ng lupa at hindi ito nakapangalan sa nagbebenta, heto po ang mga hakbang na dapat mong isaalang-alang para maiwasan mo ang problema sa hinaharap:1. Humingi ng kopya ng Tax Declaration (Oja/Oha) sa nagbebenta. Tapos, pumunta ka sa City/Municipality Assessor's Office upang mag-request ng Tax Declaration ng nasabing lupa. Ihambing mo ang dalawang kopya, ang kopya ng nagbebenta at ang kopya ng City/Municipality Assessor's Office. Tingnan kung magkapareho ba ang pangalan ng PROPERTY OWNER, LOCATION NG LUPA, SIZE of SUKAT NG LUPA, BOUNDARIES NITO, atbp. Kung magkapareho, ibig sabihin, totoo na nakaregister ang lupa sa City/Municipality Assessor's Office.
2. Kung may TITULO ang lupa, humingi ng kopya (photocopy) nito mula sa nagbebenta nito. Tapos, pumunta ka sa Registry of Deeds upang mag-request ng Certified True Copy ng titulo ng lupang ito. Pag nakuha mo na yung Certified True Copy ng titulo, ihambing mo ang kopya ng titulo ng nagbebenta sa iyo at ang Certified True Copy. Tiyaking magkapareho ang PROPERTY OWNER, LOCATION OF PROPERTY, SIZE OF PROPERTY. Pag pareho, natitiyak kang TOTOO at hindi peke ang TITULO. Tingnan mo rin kung may mga ENCUMBRANCES o pasanin (mortgages) ang Certified True Copy ng titulo. Dito mo malalaman kung nakasangla ba ang lupa. Kung hindi, mas mabuti.
3. Dahil hindi nakapangalan sa nagbebenta ang lupa, tingnan mo ang Deed of Absolute Sale sa kanya. Basahin mong mabuti ang nakalagay sa Deed of Absolute Sale na ito. Tiyakin mo kung anong lupa ang binenta sa kanya, sukat at location nito, sino ang unang may-ari o nagmana nito, sino naman ang buyer nito. Siyempre ang buyer ay yung nagbebenta sa iyo.
4. Pag natiyak mo ang tatlong hakbang na nasa itaas, gumawa na kayo (buyer and seller) ng Deed of Absolute Sale doon sa certified Notary Public.
May katanungan ka pa ba? Ipost mo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/