Home » Articles » Business

Ano-ano ang mga Epekto ng Globalisasyon?

Sa madaling sabi ang globalisasyon ay ang ugnayan iba't ibang bansa o lugar sa buong mundo.

Sa ekonomiks, ang globalisasyon ang proseso ng pakikipagkalakalan o pakikipag-ugnayan ng iba't ibang negosyo, organisasyon at mga bansa sa pandaigdigang antas.

May mga magandang epekto ito sa antas ng pamumuhay ng isang bansa. Subalit meron din itong mga masamang epekto na kung lumubha ay kikitil ng maraming buhay sa mundo.

Alamin natin ano-ano nga ba ang mga maganda at mga masamang epekto ng globalisasyon?

Mga Epekto ng Globalisasyon


Mga Magandang Epekto ng Globalisasyon

1. Pag-angat ng komunikasyon at "information technology". Napapabilis ang ating pakikipagkomunikasyon sa tao sa pamamagitan ng internet, computer at cellphones. Isipin mo ang nagagawa ng Facebook, Youtube, Twitter, atbp. na kung saan madali tayong makipag-usap at makipagpalitan ng mga pictures at videos sa ibang tao kahit saan ka mang lupalop ng daigdig.

2. Bumilis ang "financial transaction" gamit ang internet. Pwede kang mag-invest o magpadala ng pera sa ibang bansa o bumili ng "foreign currencies" gamit ang internet. Mas nakakatipid ito ng pera at oras kesa sa ginagawa noon na kelangan pang personal na pumunta ang tao sa ibang bansa at personal ha humarap sa pag-iinvest ng pera at pakikipagpalitan ng pera (foreign exchange trade).

3. Pwede ng bumili ng mga produkto o serbisyo sa ibang bansa gamit ang internet o cellphone. Nariyan ang Amazon, Alibaba, AliExpress, Shopee, Lazada at maraming pang iba kung saan pwede kang bumili ng produkto sa ibang bansa kahit nasa bahay ka lang sa kahit anong oras gusto mo.

4. Bumilis ang transportasyon. Pwede ka ng sumakay ng eroplano na singbilis ng ibon para makapunta sa ibang bansa. Nariyan din ang mga "bullet train" na singbilis ng eroplano at kung saan ihahatid ka sa ibang lugar sa iilang minuto laman.

5. Mas nakakamura ang isang bansa sa pagtanggap ng mga trabahador mula sa ibang bansa. Ang United States at ang Europe ay nakakatipid kung tatanggap sila ng trabahador galing sa Pilipinas o sa mga mahihirap na mga bansa.

6. Mas nakakamura ang isang bansa kung bumili ng mga raw materials mula sa ibang bansa sa paggawa ng produkto.

7. Mas lumaki ang kita ng isang bansa kung i-eexport o iluluwas niya ang kanyang mga produkto sa ibang bansa.

8. Mas tumaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap na bansa kapag tinutulungan sila ng mga mayayamang bansa sa larangan ng edukasyon, kultura, negosyo atbp.

9. Kung ano man ang mga mahahalagang produkto o materyales na kulang ng isang bansa, ay makakabili sya ng mas mura sa ibang bansa. Ang produkto ay maaaring pang-medikal, pang-arkitektural, pang-transportasyon, pang-komunikasyon, atbp.

10. Posible na makakabiyahe tayo sa ibang planeta o sa buwan gamit ang sasakyang panghimpapawid ng ibang bansa.

Mga Masamang Epekto ng Globalisasyon

1. Sa paglago ng globalisasyon, tumataas ang antas ng polusyon bunga ng mga nagsulputang pabrika, pagdami ng mga sasakyan o makina na naglalabas ng usok.

2. Lalong dumadami ang kompetensya sa negosyo sa pandaigdigang kalakalan.

3. Paglaganap ng "human traficking" o paglabas-masok ng mga tao sa ibang bansa na hindi dumaan sa legal na proseso.

4. Mabilis na paglaganap ng nakakahawa at nakamamatay na sakit tulad ng AIDS, SARS, COVID-19.

5. Pang-aabuso ng mga "foreign investor" na suhulan ang mga politiko para sa sariling kapakanan sa bansa. Kaya kumakalat ang korapsyon.

6. Pagpasok ng illegal na negosyo ng mga dayuhan sa bansa. Kaya maraming mga tao ang na-iiscam dahil dito.

7. Pagbili o pag-angkin ng mga dayuhan sa mga lupain ng mga Pilipino hanggang sa lumiliit ang natitirang lupain ng mga Pilipino.

8. Nagkakaroon ng malaking motibasyon ang mga politiko na gumawa ng korapsyon tulad ng sikretong transaksyon sa pagitan nila at ng mga mayayamang dayuhan.

9. Dumadami ang klase ng sakit dahil sa paglago ng komunikasyon at transportasyon. Ang paglago ng komunikasyon ay nagdudulot ng pagdami ng nakakapinsala na radiation sa hangin tulad ng epekto ng mga cell sites. Ang paglago ng transportasyon ay nagdudulot ng pagkasira ng atmospera at karagatan dahil sa pagdami ng mga sasakyang panlupa at pandagat.

10. Dahil sa globalisasyon, tumataas ang antas ng prostitusyon. Dahil mataas ang rate ng kanilang pera, maraming mga dayuhan ang bumibili ng laman sa bansa. Lumalaganap din ang cyber-bullying, cybercrimes, at attention disorder ng mga kabataan dahil sa paglago ng internet.

Marami mang mga magagandang naidudulot ang globalisasyon, dapat pa rin itong kontrolin sa pamamagitan ng pakikipag-usap, ugnayan at paggawa ng mga pandaigdigang tuntunin ukol sa pagkontrol ng masamang epekto ng globalisasyon.
 


Marami pang mga maganda at di magandang epekto ng globalisasyon. Pwede kayo mag-suggest sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano-ano ang mga Epekto ng Globalisasyon?" was written by Mary under the Business category. It has been read 18364 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 22 February 2021.
Total comments : 0