Bakit nagmi-migrate o lumalabas ang tao sa ibang bansa?
Pipilitin namin na isulat ang halos lahat ng dahilan para makabuo ng mas malaman at komprehensibong pag-unawa sa mga dahilan ng migrasyon sa isang bansa.
Kung iisiping mabuti, napakaraming dahilan kung bakit lumilipat ang tao sa ibang bansa.
Marami sa mga dahilan sa ibaba ay hindi mo mababasa sa alinmang websites, youtube, facebook o reference material.
Ano-ano ang mga dahilan ng migrasyon? Bakit lumilipat ang tao sa ibang bansa?
- Para maghanapbuhay doon sa ibang bansa dahil mas malaki ang suweldo o kita doon sa ibang bansa gaya sa US, Europe, Singapore, China, Hongkong, Taiwan, Malaysia, Qatar, atbp.
- Upang takasan ang kahirapan sa buhay, sa hanapbuhay o sa pagmamalupit ng pamilya.
- Upang magkaroon ng maraming mas magandang oportunidad ang mga anak.
- Para makapagtayo ng negosyo sa ibang bansa.
- Dahil inuutusan ng boss na magtrabaho sa kanyang kompanya o negosyo sa ibang bansa.
- Upang magpakasal at manirahan ng kanyang foreigner na asawa sa ibang bansa o di kaya ang foreigner ang pumupunta sa Pilipinas para pakasalan ang kanyang iniibig o manirahan sila dito sa Pilipinas.
- Para mag-retire (retirement) sa ibang bansa at mag-enjoy sa buhay sa pagtanda.
- Para maghanap ng mas ligtas na matitirhan. Meron kasing mga lugar na kasalukuyang tinitirhan ng tao na laging nakakaranas ng sakuna gaya ng lindol, bagyo, landslide, baha, atbp.
- Para maka-iwas sa death threats ng kanyang kapwa, kidnapping o anumang uri ng pang-aabuso ng kapwa.
- Para makakuha ng mas magandang klase na suportang pangkalusugan (health support).
- Upang maka-iwas sa batas na lumalaban sa kanyang negosyo o organisasyon.
- Upang maka-iwas sa pag-uusig o persekusyon sa lahi (rasa), relihiyon, kultura, nasyonalidad, o pagiging miyembro ng isang grupo.
- Upang maka-iwas sa giyera (digmaan), karahasan o labanan.
- Hinihikayat sila ng kanilang kapamilya o kamag-anak na manirahan sa ibang bansa.
- Dahil gustong makapag-aral sa ibang bansa na may mas mataas na kalidad na edukasyon.
Alam kong sobrang dami pa ng mga dahilan na ito. Mga maliit na dahilan.
Pwede mong dagdaghan ang mga dahilan sa listahan sa itaas. Ilalagay namin ang iyong pangalan bilang may-akda. - https://www.affordablecebu.com/