Home » Articles » Spiritual / Religion

Sanaysay Tungkol sa Relihiyon

Narito ang isang halimbawa ng sanaysay tungkol sa relihiyon na pinamagatang "Relihiyon: Ang Kasamaan at Kabutihan"

Sanaysay tungkol sa Relihiyon

Relihiyon: Ang Kasamaan at Kabutihan

sinulat ni Wilkins Dableo

 Ang relihiyon ay isang grupo na kung saan dito sumasamba ang mga tao sa kinikilala nilang diyos.
 
Ang relihiyon ay isang anyo ng pagsamba saklaw nito ang saloobin, paniniwala, at gawain.
 
Ang mga ito’y maaaring personal, o kaya’y itinataguyod ng isang organisasyon.
 
Ang relihiyon ay paniniwala sa Diyos o sa maraming diyos. Mayroong tunay, at mayroon ding hindi tunay na relihiyon.
 
Ang relihiyon ay binubuo ng tao o pangkat ng tao na naglalayong mag-alay ng debosyon sa kinikilala nilang diyos.
 
Ang relihiyon ang nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at sa moralidad. Ito rin ang isa sa kalipunan ng mga sistemang kultural, at sistemang paniniwala.
 
Ang karamihan ng mga relihiyon ay may mga organisadong pinuno gaya ng pastor, Obispo, o di kaya’y tagapagtatag nito.
 
Mayroon ding mga simbolo, mitolohiya, kultura at mga sagradong kasaysayan na nakapaloob sa relihiyon.
 
Naglalayon rin ito na magbigay paliwanag sa kung papaano nilikha ang mundong ating tinitirhan.
 
Ito rin ang siyang humuhubog sa moralidad, etikita, at ugali ng tao.

Nakapaloob rin dito ang mga sermon, mga paghahandog, ritwal, kulto, mga pista, at iba pang kauri nito.

Bakit nagkaroon ng relihiyon ang tao?

Kaya nagkaroon ng Relihiyon ang tao sapagkat naniniwala ang tao na masusulosyunan ang kaniyang mga problema at suliranin.

Naniniwala rin ang tao na mapapabuti siya at mababago ang kaniyang pag-uugali, at higit pa rito naniniwala ang tao na may lumalang sa kanya at walang iba kundi ang ating makapangyarihang  Diyos.

Kaya nagsisikap ang tao na makapagbigay ng kasiyahan sa kanya na lumalang sa atin sa pamamagitan ng mga pagsamba.

Bakit naniniwala ang tao sa Diyos?

 Naniniwala ang tao sa Diyos sapagkat kung iisipin nating mabuti kung papaano gumagana ang ating katawan, wala tayong duda na talagang may Diyos.

Bawat parte ng katawan ng tao ay may papel na ginagampanan, mula ulo hanggang talampakan, at  maging sa kaliit-liitang bahagi nito, subalit hindi natin namamalayan kung papaano nagagampanan ang mga papel na iyon.

Talagang kamangha-mangha ang kapangyarihan ng Diyos.
 
Kapag nakakakita tayo ng mga hayop, mga halaman o kahit ng mga bagay  na makikita natin sa ating paligid alam nating ang Diyos rin ang siyang lumalang nito.
 
Kapag tumingala naman tayo sa langit marahil makikita natin ang bilyon-bilyong mga bituin, buwan, at maging ang araw.

Marahil iisipin natin sino kaya ang gumawa ng mga ito?

Alam natin na ito’y hindi kayang gawin ng tao, kundi ang tanging makagagawa lamang nito ay ang Diyos na makapangyarihan sa lahat.
 
Kaya naniniwala tayong mga tao na may lumalang ng lahat ng mga bagay at walang iba kundi ang Diyos.

Ano-anu ang mga magandang kontribusyon ng relihiyon sa pamilya, lipunan at bayan?

Ang mga magandang kontribusyon ng relihiyon sa pamilya, lipunan at bayan ay ang pagtuturo nito ng mga magagandang-asal sa mga tao.

Sa panig ng pamilya ito ang siyang nagpapatatag ng isang sambahayan kahit na bumangon pa ang mga suliranin ito ang siyang lumulunas sa mga problema ng pamilya.

Ang Relihiyon rin ang siyang nagbibigay ng kapayapaan sa isang bayan o lipunan sapagkat nagagawa nitong hubugin ang kaisipan, at pag-uugali ng mga tao.
 
Hindi puwedeng balewalain ng sinuman sa atin ang kahalagahan ng relihiyon dahil nasusulusyonan nito kahit ang usapin sa pulitika, paglutas ng hindi pagkakasundo, pag-unlad ng isang bansa hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa pag-aasal ng mga tao, at iba pang magagandang naidudulot nito sa lipunan.
 
Ito ang siyang nagtutulak na magsumikap na magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga kabataan, at ang pagpapaunlad nito sa kultura.
 
Ang pagkakaroon ng mas mataas na lebel ng pagiging relihiyoso, at paniniwala sa aral na itinataguyod sa isang relihiyon ay nauugnay sa mas mababang mga tala ng krimen sa isang lipunan.
 
Ang Relihiyon ang siyang nagtutulak sa tao kung kaya nagagawa na siya ay maging matulungin sa kaniyang kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng salapi, pagkain, at iba pang kaparaanan na maaring maitutulong sa kaniyang kapwa. 

Ano-anu naman ang hindi magandang kontribusyon ng relihiyon sa lipunan?

 Ang hindi magandang kontribusyon ng relihiyon ay ang pagsasagawa ng mga panatikong utos nito upang makamit ang mga layuning pampolitika, pwersahin ang kanilang relihiyon sa ibang mga tao, ipagtanggol ang kanilang relihiyon laban sa mga kaaway o dahil sa paniniwalang ang karahasan ay kalooban at inutos ng diyos.
 
Kabilang sa mga karahasang ito ang pagpaslang sa mga pinaniniwalaang nasasapian ng demonyo o manggagaway, pag-uusig sa mga lumalaban sa kanila, mga ritwal na karahasan, at paghahandog ng mga tao sa (mga) diyos na kanilang pinaniniwalaan.
 
Idagdag pa riyan ang planado at sistematikong pagkitil sa kabuuhan o parte ng isang pangkat ng lahi, kultura, o lipunan.

Kailan nagiging masama ang relihiyon sa tao o lipunan?

Nagiging masama ang relihiyon sa tao kung ito ay  labag na sa kaniyang kalooban. Halimbawa kung ang pagpapakahirap o kahit ang pagpatay sa kapwa tao ay ipinag-uutos na sa kanilang relihiyon para ialay ang buhay ng tao sa kanilang kinikilalang diyos.
 
Nagiging masama rin ang isang relihiyon sa tao o sa lipunan kung ang sinusunod nila ay isang panatikong kulto gaya halimbawa ng paghahandog ng buhay ng tao o sanggol sa kinikilala nilang mga diyos, panghihimasok sa pulitika, at kahit ang pangingialam sa karapatang pangtao.
 
Kaya para sa atin ang relihiyon ay isang organisasyon na kung saan tinuturuan ang tao ng mga aral ng Diyos upang ang tao ay mapabuti, at hindi malihis ng landas. 

Dito rin tayo hinuhubog upang tayo ay maging mabuti, at maging matulungin sa ating kapwa. Ayaw natin na magkaroon ng maling paniniwala at mapunta sa maling paraan ng pamumuhay kundi ang nais natin ay ang katiwasayan at kabutihan.

Kaya nagrerelihiyon ang iba sa atin sapagkat gusto natin na magpasalamat, at sumamba sa lumalang sa atin, magkaroon ng tamang paniniwala sa mga aral ng Diyos.
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sanaysay Tungkol sa Relihiyon" was written by Mary under the Spiritual / Religion category. It has been read 25523 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 22 February 2021.
Total comments : 1
Vafbwd [Entry]

buy atorvastatin 80mg pills <a href="https://lipiws.top/">lipitor pills</a> buy atorvastatin generic