Home » Articles » Spiritual / Religion

10 Mga Kahalagahan ng Relihiyon (Alamin Dito)

Minsan sa buhay ng tao, dumarating ang mga pangyayari na hindi niya maintindihan gaya ng mga pagsubok, kahirapan, aksidente, kalamidad atbp.

Hindi rin niya maintindihan kung paano nagkaroon ng buhay ang lahat ng bagay sa mundo at kung bakit may tao at kung bakit gumagalaw ang mundo, mga bituin, araw, buwan at kung sino ang naglikha sa mga bagay na ito na kanyang nakikita at di nakikita.

Ang mga pangyayaring ito ang nag-uudyok sa tao na tanungin ang kanyang sarili kung bakit nga ba nangyayari ang mga bagay na ito sa kanyang buhay.

Kaya dito pumapasok ang paniniwala na may MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT na naglikha sa lahat ng bagay.

Sa ibang sabi, dito nag-ugat ang paniniwala sa Diyos o relihiyon.

Ang relihiyon ay may maraming kahalagahan na nagagawa sa tao.

Alamin natin, ano-ano nga ba ang mga kahalagahan ng relihiyon sa buhay ng tao?

Mga Kahalagahan ng Relihiyon


10 Mga Kahalagahan ng Relihiyon

  1. Ang relihiyon ang siyang paraan upang makilala ng tao na may Diyos, Allah o Makapangyarihang Nilalang na gumawa ng lahat ng bagay.
  2. Ang relihiyon ang humuhubog sa tao na gumawa nang mabuti at maging masunurin sa batas ng pamahalaan.
  3. Nakatutulong ang relihiyon sa pagbawas ng mga krimen sa lipunan dahil sa pagtuturo ng relihiyon sa paggawa ng kabutihan at ng kabanalan.
  4. Ang relihiyon ang nagpapataas sa moralidad ng tao na gumawa ng mabuti sa kanyang kapwa.
  5. Nagiging katuwang ng pamahalaan ang relihiyon sa pagtulong sa mga taong nangangailangan gaya ng ibang relihiyon na nagbibigay ng mga donasyon sa mga nasalanta ng kalamidad (bagyo, lindol, aksidente) at sa mga tao na naghihirap sa kanilang buhay na halos wala ng makain.
  6. Ang relihiyon ang nagpapa-alala sa tao na lumapit sa Diyos na makapangyarihan sa lahat lalo na sa panahon na ang tao ay nasadlak sa kahirapan, pagdurusa, sakit, sakuna, kalamidad, etc. Ang tao kasi nakalilimot lalo na kapag marami siyang pera at mayaman.
  7. Ang relihiyon ang tumutulong sa pagtaas ng employment (paggawa) dahil sa kakayahan nito na magtayo ng iba't ibang proyektong pangkabuhayan, pang-turista, pang-isports, atbp.
  8. Ang relihiyon ay nakakatulong sa paghalal ng mabuting pinuno ng bansa o mga namamahala sa lipunan dahil sa laki ng koneksyon nito. Nalalaman ng isang relihiyon kung anong mga kabulastugan o kagaguhang ginawa ng isang kandidato.
  9. Ang relihiyon ay nakatutulong sa pagkamit ng isang layunin para sa kabutihan ng karamihan. Nahihikayat ng relihiyon ang mga tao na gawin ang mga bagay na nakatutulong sa kabutihan ng pangkalahatan o sa karamihan.
  10. Ang relihiyon ang nagpapa-alala sa tao sa mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan na may kinalaman sa buhay ispiritwal at pagpapahalaga sa Diyos o Allah na makapangyarihan sa lahat.
 
 
Meron ka pa bang ibang alam na kahalagahan ng relihiyon na hindi nasusulat sa itaas?

Sabihin mo lang sa comment sa ibaba. 

Isusulat namin ang iyong opinyon sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan bilang may-akda. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"10 Mga Kahalagahan ng Relihiyon (Alamin Dito)" was written by Mary under the Spiritual / Religion category. It has been read 19979 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 25 February 2021.
Total comments : 1
Wgcixn [Entry]

atorvastatin 20mg tablet <a href="https://lipiws.top/">buy atorvastatin pills</a> lipitor 80mg pill