Ano Ang Kahalagahan Ng Bulubundukin At Mga Halimbawa
BULUBUNDUKIN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga bulubundukin at ang mga halimbawa nito.
Dahil sa teknolohiya, marahil madali na lalamang nating makakalimutan ang ating mga bulubundukin. Subalit, kahit hindi tayo naninirahan sa mga lugar na malapit dito, ang mga bulubundukin natin ay ubod pa rin ng halaga.
Ang ating mga bulubundukin ay isang uri ng anyo lupa na kung saan pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming mga tao. Bukod dito, ang mga bulubundukin ay maituturi bilang kayamanang bansa dahil ito’y pinagkukunan ng kabuhayan at pagkain.
Dapat din nating bigyang halaga ang mga bulubundukin dahil ito’y natural natin na depensa laban sa mga malalakas na bagyo.
Pero dahil sa kasakiman ng mga tao, madalas binababoy lamang ang ating mga bulubundukin. Ang mga malalaking kompaniya ay patuloy pa rin na gumagawa ng illegal na mga operasyon dito na nagdudulot ng pagkasira ng bukid at ang biodiversity sa paligid nito.
Dahil dito, mas marami na ang baha, landslide, at iba pang kalamidad na nangyayari sa mga bulubundukin at kalapit na mga lugar. Bukod dito, nasisira rin ang mga tahanan ng iba’t-ibang uri ng mga hayop na minsa nga ay sa Pilipinas lamang nakikita.
Ating tandaan na ang ating mga bulubundukin ay parte ng ating kultura at tradisyon kaya dapat natin itong bigyang halaga at protektahan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Papel Ng Wika Sa Lipunan? Halibmawa At Kahulugan
- https://www.affordablecebu.com/