Home » Articles » Spiritual / Religion

Ang Pasko Para Sa Akin (Essay/Sanaysay)

Narito ang isang halimbawa ng essay o sanaysay tungkol sa Pasko na pinamagatang "Ang Pasko Para Sa Akin"
Ang Pasko Para Sa Aking (Essay/Sanaysay)
 
Ang Pasko para sa akin ay masaya dahil ito yung pagkakataon na nagkasama-sama ang Pamilyang Pilipino.

Ito rin yung isa sa pinaka gusto kong okasyon kasi ito yung araw ng pagmamahalan at pag-iibigan sa isa’t-isa.

Ito rin yung panahon na nagbabakasyon ang mga magkakamag-anak ang ilan pa nga sa ating kababayan ay pinupuntahan pa nila  ang mga kamag-anak kahit sa malalayong lugar para sila ay kumustahin at bisitahin at sa gayun ay makipagbonding kasama sila.
 
Ang Pasko para sa akin ay isang makulay na okasyon kaya marami sa ating mga kapwa Pilipino ang hindi mapakali kapag wala ni isang katiting na dekorasyong Pamasko sa kanilang bahay.

Kaya pagdating palang ng buwan ng Oktubre  ay hinahakot na ang maraming dekorasyong Pamasko sa bodega o kung saan nila nililigpit ang kanilang mga dekorasyong pamasko para makuha nila ang mga parol, Christmas Tree, at Christmas lights upang ito’y maisabit sa kanilang mga pinto at sa mga bintana ng kanilang tahanan.

Ang iba pa nga sa mga Pilipino ay gumagastos pa ng mga paputok tulad ng fireworks display para lang mas masaya nilang sasalubungin ang araw ng Pasko.
 
Ang Pasko rin para sa akin ay isang musikang umaaliw sa buhay ng mga Pilipino kaya karamihan sa mga kababayan natin ang nagpapatugtog ng mga awiting Pamasko.

Bagama’t paulit-ulit na ipinapatugtog ito ng ilan sa atin ay hindi pa rin pinagsasawaan nating mga Pilipino ang mga Awiting Pamasko.
 
Para sa akin ang araw ng pasko ay araw ng pagbibigayan. Sa simpleng regalong ipinamimigay natin sa mga bata ay dito natin maipakikita ang pagpapahalaga natin sa pagdiriwang ng pasko.

Pamamaraan na rin ito para ibahagi ang mga biyayang natanggap natin sa buong taon.

Kaya marami sa ating kapwa Pilipino ay nagsisimula nang maghanap ng mga pangregalo sa mga inaanak at mga mahal nila sa buhay.

May ilan nang nagtatabi ng pera para sa Noche Buena at upang may maihanda sila para sa kanilang mga bisita.

Patunay ito na ang Pasko ay may mas malalim na kahulugan para sa ating  mga Pilipino.

Para rin sa akin ang Pasko ay mahalaga kasi ito yung araw ng kapanganakan ni Hesus.

Ito ay isang tunay na manipestasyon kung paanong iniibig tayo ng Diyos.

Kaya ang Pasko ay hindi lamang pagbibigay ng regalo, pagdedekorasyon, pag salo-salo o iba pa.

Kung bibigyang lalim ang kahulugan ng pagdiriwang ng Pasko ay wala itong ibang nais iparating sa atin, kundi ang mensahe ng walang hanggang pag-ibig ng diyos.
 
Kaya naman sa mahabang pagdiriwang ng Pasko natin dito sa Pilipinas ay alalahanin natin at balik-tanawin natin ang naganap sa Bethlehem noong unang Pasko.

Kahit dalawang libong taon na ang nakalipas. Alalahanin natin kung gaanong iniibig tayo ng diyos. Alalahanin din natin ang mga biyayang ito na ipinagkaloob niya sa atin.

Ito ang tamang panahon at pagkakataon upang magpasalamat sa kanya.

Sa ganitong pag-ibig ng Diyos, tunay na makikita sa bawat puso ng Pilipino na buhay na buhay ang diwa ng Pasko sa ating bansa. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ang Pasko Para Sa Akin (Essay/Sanaysay)" was written by Mary under the Spiritual / Religion category. It has been read 85792 times and generated 2 comments. The article was created on and updated on 19 November 2018.
Total comments : 2
Oajhox [Entry]

buy generic atorvastatin online <a href="https://lipiws.top/">buy atorvastatin pills</a> atorvastatin 80mg tablet
Samantha [Entry]

Salaysay pasko