Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamgandang bunga at iyon ay dinala niya sa loob ng kanyang silid.Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang mukha isang magandang dayang-dayang. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na ang manok.Ngunit sa isang pagkakaton ay nakatulog si Manik Baungsi. Nang magising siya ay nakasikat na ang araw. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga. “Kung gayon, isa kang katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli.Ngumiti si Manik Buangsi. “Oo.” wika niya. “At narito ako upang pakasalan ka!”Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi at sa piging na iyon ay bumaba ang mga bathala mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Tuan Putli at Manik Buangsi. Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako, naninibugho ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa.“Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli. “Maaring isa lamang siyang masamang espirito!”
“Maganda siyang lalaki,” wika pa ng isa pa. “ Sigurado mo bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya?”“Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa, “Paluluhain ka niya balang araw!”Dahil sa patuloy sa paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang inaaway si Manik Buangsi hanggang sa dumating ang panahong napuno na si Manik Buangsi.Ipinasiya niyang bumalik na sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay biglang lumabas ang isang mabikas na puting kabayo at isang kris. Nagsisi si Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag naman si Manik Buangsi.Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal na alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang kris, ngunit buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdudurusa kaluluwa.Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang ng asawa.
“Hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “ Pipikit ako!”Nagsimula silang tumawid sa makipot sa tulay, sakay ng kabayo ngunit hindi kaginsa-ginsa’y, biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito.“Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang tinig na iyon at tulad ng kanyang yumaong ina! Bigla nitong iminulat ang mga mata at tumingin sa ibaba. Dahil sa takot sa nakita ay nakabitaw ito at nahulog sa kailaliman.Mula noon mag-isa na lang si Manik Buangsi na nakarating sa kaharian, ngunit malungkot ito sa pagkamatay ng asawang hindi nakinig sa kanya.Mula sa: slideshare
What’s your Reaction?+1 0+1 0+1 1+1 0+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/