Dali-daling tumakbong paalis si Daga at hindi sinasadyang matapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Sumigaw si Daga at nagising si Haring Tamaraw.Galit na galit si Haring Tamaraw at hinuli niya si Daga. Bilang parusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw at nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya’y makakatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng panahon.Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga ta nagpasalamat naman si Daga.Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa kanyang paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na gamit panghuli ng malalaking hayop sa kagubatan. Nakulong sa hawla si Haring Tamaraw at walang magawang tulong ang ibang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari.Walang anu-ano’y dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla at nakawala si Haring Tamaraw. Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga.Mula noon, naging mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.
Buod ng Pabula Si Haring Tamaraw at Si DagaGinagalang ng lahat ng nasasakupan nito si Haring Tamaraw dahil sa lakas, talino, at kalakihan nito. Minsan ay nag-ikot ito sa kanyang lupain upang tingnan ang mga pangayayari at ganap sa kanyang pinamumunuan. Dahil sa laki ay napagod ito nang lubusan at nagpasyang umidlip sa lilim ng puno. Doon nama’y dumating si Daga na napakamaingay. Binalaan siya ng mga ibon na huwag mag-ingay ngunit nang siya ay aalis na upang hindi makadisturbo ay natapakan niya ang Tamaraw. Sa galit ng Tamaraw ay kakainin na niya sana ito ngunit humingi ang Daga ng kapatawaran dahil hindi niya naman ito sinasadya at wala itong msamang intensyon. Tinanggap naman ito ng hari.Pagkatapos ng ilang araw, habang nagmamasid ay hindi napansin ni Haring Tamaraw ang lambat. Natapakan nito ang patibong. Nanghingi ito ng tulong at nang makita ni Daga ang Hari ay kaagad niya itong tinulungan. Dahil doon ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa.Aral ng PabulaHuwag magpalamon sa galit at sa halip ay tingnan ng maigi ang perspektibo ng bawat tao. Ugaliin ding tumulong sa mga nangangailangan. Kung ito’y gagawin ay lahat ay magkauunawaan at magkaroroon ng mapayapang pamumuhay ang lahat.What’s your Reaction?+1 3+1 0+1 1+1 1+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/