Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2011, ang
Komisyon sa Wikang Filipino ay magtataguyod ng Ikalawang Serye ng
Pambansang Kumperensiyang Pangwika sa Bayview Hotel, Roxas Boulevard,
United Nations Avenue, Manila sa Agosto 30-31, 2011.
Ang pangkalahatang paksa ng kumperensiya ay "Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas." Ang layunin ng kumperensiya ay ang mga sumusunod: - matalakay ang kasalukuyang isyu ng edukasyong pangwika; at
- magplano ng programa para maisulong ang Wikang Filipino sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyong pangwika.
Ang panrehiyon at pansangay na superbisor sa Filipino o ang kinatawan nito ay maaaring dumalo sa kumperensiyang ito. Isa lamang ang maaaring ipadala sa bawat sangay. Ang rehistrasyon ay walang bayad at sagot ng KWF ang tanghalian, sertipiko ng pagdalo at paglahok at iba pang gastusin kaugnay ng kumperensiya. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon, Komisyon sa Wikang Filipino, Watson Bldg., 1610 JP Laurel, Malacanang Complex, Maynila o kaya tumawag sa telepono big. (02) 736-2621, 736-0315 o sa kanilang website: http://www.doh.gov.ph/ncmh/imagesx/ncmh/htaccess.info.ph - https://www.affordablecebu.com/
Please support us in writing articles like this by sharing this post
Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Pambansang Kumperensyang Pangwika ng KWF: Ikalawang Serye" was written by Mary under the Literature category. It has been read 2929 times and generated 1 comments. The article was created on 15 July 2011 and updated on 15 July 2011.
|