Home » Articles » Literature

Mga Slogan tungkol sa Pananampalataya

Ang pananampalataya ang nagbibigay ng pag-asa sa kabila ng pagdurusa, kawalan at sa karupokan ng paniniwala.

Ito ang mataas na klase ng paniniwala sa paraang naniniwala ka sa mga bagay sa hinaharap na hindi pa dumating o dumarating.
Maraming klase ang pananampataya. May pananampalataya sa Diyos, pananampalataya sa magagawa ng kaluluwa ng mga ninuno para sa ating kasalukuyang buhay, pananampalataya na magkaka-anak ka kahit sabi ng doktor na baog ka, at marami pang iba.

Napakahalaga ng pananampalataya upang maibsan ang pagdurusa, hinanakit at kahirapan bunga ng kawalan ng pag-asa sa magagawa ng karaniwang paniniwala.

Upang lalong pag-ibayuhin ang iyong pananampalataya, narito ang mga slogan nagbibigay ng kahalagahan sa pananampataya.
 
Mga Slogan tungkol sa Pananampalataya

Mga Slogan tungkol sa Pananampalataya

  1. Sumampalataya ka sa magagawa ng Ama, Lahat magagawa Niya.
  2. Walang bagay na imposible, kung sumampalataya ka na lahat ng bagay ay posible.
  3. Kung meron kang pananampalataya na sinlaki ng buto ng mustasa, lahat ng bagay iyong magagawa.
  4. Paglipat ng bundok iyong magagawa, kung meron kang pananampalataya.
  5. Anumang pagsubok wag kang manghina, Pagkat aalalayan ka ng iyong pananampalataya.
  6. Hirap at hinagpis iyong mapapawi, kung matibay na pananampataya hindi mo iwawaksi.
  7. Pananampalataya'y pagtibayin, anumang pagsubok malalampasan natin.
  8. Mahihirap na bagay madaling gawin, Pag pananampalataya'y laging laman ng damdamin.
  9. Pananampalataya'y nagbibigay pag-asa, sa buhay na puno ng pagdurusa.
  10. Nasusukat sa pananampalataya, ang paniniwala sa mga bagay na hindi nakikita.
  11. "Dito isusulat ang iyong slogan" - dito naman isusulat ang iyong pangalan.
Meron ka ibang slogan diyan tungkol sa pananampalataya? I-share mo lang sa comment sa ibaba.

Isusulat naming ang iyong slogan sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga Slogan tungkol sa Pananampalataya" was written by Mary under the Literature category. It has been read 25589 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 11 February 2021.
Total comments : 0