Sa pakikipagkomunikasyon, mahalaga ang aktibo at bukas na pakikinig sa ating kausap dahil sa ganitong paraan, madali nating maiintindihan ang sinasabi, pinapahayag o sinisimbolo ng ating kausap.
Nang sa gayon, anuman ang layunin ng bawat nakikipag-komunikasyon ay maisakatuparan at magkaroon ng kasunduan at pagkakaintindihan kung meron mang alitan o di pagkakaunawaan na nagaganap.
Mga Slogan Tungkol sa Kahalagahan ng Bukas na Pakikinig
- Kaya tayo may dalawang tenga at iisang bibig, dahil mas mahalaga sa pagsasalita, ang pakikinig.
- Solusyon mas madaling marating, bukas na pakikinig ating pairalin!
- Bukas na pakikinig ating sanayin, pagkakasundo'y mas madaling abutin!
- Mas maraming karunungan ang makukuha, sa pakikinig nang mabuti kaysa sa pagsasalita nang marami
- Mas malalang problema'y naagapan, kapag bukas na pakikinig ating isasakatuparan.
- Mabigat at masakit na damdamin moy' naiibsan, kapag hinaing moy pinakikinggan.
- Ang mabuting tagapakinig ay parang sisidlan, sa tuwing may taong naglalahad ng kanyang damdaming nasasaktan!
- Walang kasing gaan ang nararamdaman, sa tuwing may taong nakikinig sa iyong mga kadramahan!
- Problema'y naiibsan, kapag ito'y pinakikinggan.
- Kapag sulirani'y pinakikinggan, mundo'y gumagaan.
- Diyos nga nakikinig, ikaw pa kaya na tao hindi marunong makinig?!
- Anumang hadlang unti-unting naagapan, kapag bukas na pakikinig pinagsisikapan.
- Digmaan at alitan! Kapag dalawang tenga'y tinatakpan.
- Pakikinig na may pagsunod! Isang magandang katangian ng maunlad at mapayapang bayan.
- Ang taong may malawak na pang-unawa, mas nakikinig kaysa sa nagsasalita.
- --- Dito ilalagay ang iyong sariling slogan --- Dito naman ang iyong pangalan.