Natutuwa nawawalan ng gamit o pera ang isang tao at nakita ito ng isang batang matapat, isinusuli ito ng batang matapat.
Sa gayong paraan sobrang tuwa ang mararamdaman ng taong yon sa batang matapat.
Kaya lalo mo pang hubugin ang iyong sarili sa pagiging matapat. Dahil dito nakasalalay ang pagtitiwala ng ibang tao sa iyo
Nakasalalay rin sa pagiging matapat ang tagumpay ng gawain ng isang grupo o organisasyon.
Narito ang ilang mga halimbawa ng mga slogan tungkol sa batang matapat.
Mga Slogan Tungkol sa Batang Matapat
- Honesty is the Best Policy
- Mas nakakakaangat, ang batang matapat!
- Kaligayahan ni erpat at ermat, ang isang batang matapat.
- Isang munting bayani, ang batang matapat ang ugali.
- Ang batang hinubog sa katapatan, kasiyahan ng mga magulang.
- Ang batang matapat, sinusuklian ng kabutihan sa hinaharap.
- Ang batang puspos ng katapatan, kinalulugdan ng Diyos na Makapangyarihan.
- Ang batang tapat, tinutulungan ng Diyos na hindi mapahamak.
- Ang batang puspos ng katapatan, pinagkakatiwalaan ng kaniyang mga kaibigan.
- Ang katapatan, isang ugali ng mahusay na lider ng bayan.
- Ang taong may katapatan, hindi bumibitiw sa mga salitang kanyang sinumpaan.
- Ang matapat na bata, kinalulugdan ng madla hanggang sa pagtanda.
- Ang batang may katapatan, iniingatan niya na hindi madungisan ang kanyang malinis na pangalan.
- Pagiging matapat palaging ugaliin, upang lahat ng tao tularan ka rin.
- Ipairal ang dapat, maging ganap na tapat.
Meron ka bang ibang slogan na gustong ipagawa? Sabihin mo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/