Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pamamahala ng Sangay ng Impormasyon at Publikasyon ay magdaraos ng ikatlong serye ng Kumperensiyang Pangwika na may paksang: " Ang Wikang Filipino: Hamon sa Mataas na Kalidad ng Pampaaralang Pahayagan” sa Agosto 30-31, 2012. Ang unang araw ay gaganapin sa Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central Office, Meralco Avenue, Pasig City at ang ikalawang araw ay sa City State Hotel para bigyan daan ang pagdalo sa Araw ng Gawad (Pampinid na Palatuntunan) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na isusunod pagkatapos ng sintesis at pagkakaloob ng Katibayan ng Paglahok.
Ang layunin ng kumperensiya ay ang mga sumusunod: - matalakay ang wikang Filipino bilang hamon sa pagtugon sa pagpapataas ng kalidad ng pampaaralang pahayagan;
- makapagbigay ng mga komentaryo at mungkahi sa pagbuo ng Patnubay sa Pampaaralang Pamamahayag;
- talakayin ang gamit ng wikang Filipino sa pagsulat teknikal at sa iba pang kauring seksiyon;
- maitaas ang paraan ng pag-eedit ng mga pampaaralang pahayagan; at
- matalakay ang Kodigo ng Kagandahang Asal sa pamamahayag.
Ang dapat dumalo sa kumperensiyang ito ay ang mga piling panrehiyon at pansangay na mga tagapayo ng mga pampaaralang pahayagan ng Kagawaran ng Edukasyon.
Walang bayad ang rehistrasyon, sagot ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagkain (3 meryenda at 2 tanghalian) at supplies na gagamitin sa kumperensiya.
Para sa inyong kumpirmasyon at sa iba pang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Watson Bldg., 1610 JP Laurel, Malacańan Palace Complex, San Miguel, 1005, Maynila o tumawag sa telepono blg.: (02) 736-2519 sa o bago dumating ang Agosto 10, 2012. - https://www.affordablecebu.com/
Please support us in writing articles like this by sharing this post
Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Kumperensiyang Pangwika Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) 3rd Series" was written by Mary under the Literature category. It has been read 2518 times and generated 1 comments. The article was created on 21 July 2012 and updated on 21 July 2012.
|