Ano Ang Kahulugan Ng Korido? (Sagot)
KORIDO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang isang korido at ang kahulugan ng salitang ito.
Ang Korido ay mga tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at nagtataglay ng mga paksang kababalaghan at malaalamat na karamiha'y hiram at halaw sa paksang europeo na dala rito ng mga Espanyol.
Maihahalintulad ang kabilisang ito sa isang martsa. Karagdagan, ito ay maihahalintulad rin sa isang kwentong naglalaman ng mga pangyayaring kagilasgilas o mayroong nakakamanghang pakikipagsapalaran.
Dahil ito ay isang panitikang patula, ang isang Korido ay mayroong ring pormat na sinusunod. Karaniwang mayroong sukat na walong pantig ang korido sa bawat linya nito. Pagkatapos, ang bawat linya ay may apat na linya sa bawat saknong.
Mga Halimbawa ng Korido
Ilan sa mga halimbawa ng korido ay ang mga sumusunod:
- Ibong Adarna
- Don Juan Tiñoso
- Mariang Kalabasa
- Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
- Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz
- Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz
- Prinsipe Florenio ni Ananias Zorilla
Atin ring kailangang malaman na ang isang awit at korido ay magkapareho sa ibang mga aspeto. Isa na dito ay ang kanilang patulang salaysay na paawit kung basahin. Pero naiiba ito sa sukat at tempo.
Ang awit ay nagpapahiwatig ng mga aral samantalang sa korido ang ikinawiwili ng mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito.