Home » Articles » Legal Advice

‘Warrant of arrest’ na natanggap sa text, totoo ba?

‘Warrant of arrest’ na natanggap sa text, totoo ba?
"Dear Attorney,

Nakatanggap po ang girlfriend ko ng text mula sa hindi niya kilalang number na nagsasabi, in English, na may matatanggap daw siyang warrant of arrest mula sa City Prosecutor’s Office. May nakalagay rin na pangalan at number ng fiscal na maari daw niyang tawagan upang wala na raw gulo o iskandalong mangyari. Totoo po ba ang nakalagay sa text o scam lang po ba ito. Kinakabahan po kasi ang girlfriend ko nang mabasa niyang may warrant siyang matatanggap. — Allen

Dear Allen,




Scam lamang ang text na natanggap mo lalo na kung wala namang alam ang girlfriend mo na may kasong isinampa sa kanya. Unang-una, ang warrant of arrest ay nanggagaling sa korte at hindi sa City Prosecutor’s Office. Bago rin makarating sa pag-iisyu ng warrant of arrest, dadaan muna ang reklamo sa City Prosecutor’s Office na gagawa ng preliminary investigation sa reklamong isinampa.

Kapag nakita ng prosecutor o piskal na may sapat na ebidensiya na may krimeng naganap at malaki ang posibilidad na ang inirereklamong indibidwal ang gumawa nito, saka niya isasampa ang reklamo sa korte na mag-iisyu ng warrant of arrest kung makakita naman ito ng sapat na basehan upang ipaaresto ang inirereklamo.




Sa lahat ng mga ito, pinadadalhan naman ng official notice ang taong inirereklamo upang alam niya na may isinampang kaso sa kanya at para mabigyan din siya ng pagkakataon na mapabulaanan ang mga akusasyon laban sa kanya. Kadalasan ang unang matatanggap ng akusado ay subpoena kung saan nakasaad na kailangan niyang pumunta sa prosecutor’s office sa takdang araw at oras upang maipaalam sa kanya ang kriminal na reklamong isinampa sa kanya.

Ipinadadala ang subpoena at iba pang opisyal na dokumento sa pamamagitan ng post office at hinding-hindi sa text o sa kung ano pa mang pamamaraan kaya makakasigurado kang scam ang natanggap na text ng girlfriend mo. Mas mabuti kung hindi na lang niya sagutin ito dahil malamang, nag-aabang lang ng pagkakataon ang nagpadala ng text scam upang makapangikil." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"‘Warrant of arrest’ na natanggap sa text, totoo ba?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 589 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Gjfzqk [Entry]

generic lipitor <a href="https://lipiws.top/">buy lipitor 20mg without prescription</a> lipitor 80mg cheap