Home » Articles » Legal Advice

Sobrang interes na naibayad, mababawi pa ba?

Sobrang interes na naibayad, mababawi pa ba?
"Dear Attorney,

Upang magkapuhunan sa itinayo kong maliit na negosyo, umutang po ako ng P100,000 sa kakilala ko. Bagama’t naibalik ko na naman po kaagad ang P100,000 ay siningil pa rin ako ng karagdagang P30,000 ng aking inutangan bilang interes. Binayaran ko naman po ang nasabing halaga dahil na rin sa hiya ko sa kanya. Ngunit nang lumaon ay napag-isip-isip ko kung bakit ba ako nagdagdag ng bayad kung wala naman kaming napagkasunduan ukol sa interes at kung gaano kalaki ito. Maari ko pa po bang bawiin ang naibayad ko na kahit kusa ko naman po itong ibinigay sa kanya? — Chris

Dear Chris,




Maari mo pa ring bawiin ang naibayad mong P30,000 dahil kailangang napagkasunduan at nakasaad sa isang kasulatan ang pagbabayad ng interes alinsunod sa Article 1956 ng Civil Code. Ayon sa iyo, hindi n’yo naman napag-usapan ang tungkol sa pagbabayad ng interes at mas lalo namang wala kayong pinirmahang kahit anong kasulatan ukol dito.

Ayon sa Article 1960 ng Civil Code, kung nagbayad ang isang umutang ng interes kahit wala namang napagkasunduan ukol dito ay kailangang sundin ang prinsipyo ng solutio indebiti na matatagpuan sa Article 2154 ng Civil Code. Ayon sa nasabing probisyon, kung may natanggap na isang bagay at wala namang karapatan ang nakatanggap na hingin ito at naibigay lamang ito sa kanya bunsod ng pagkakamali ay magkakaroon ng obligasyon ang nakatanggap na ibalik ang bagay na kanyang natanggap.




Base rito ay may karapatan kang singilin pabalik ang P30,000 na ibinayad mo dahil ibinigay mo lamang ito sa pag-aakalang kailangan mo talagang magbayad ng interes. Magpadala ka muna ng demand letter sa inutangan mo kung saan hinihiling mo na ibalik niya ang nasabing halaga. Kung hindi niya pansinin ang liham mo ay saka mo na siya sampahan ng kaso sa small claims court upang mabilis ang maging pagdinig sa kaso mo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sobrang interes na naibayad, mababawi pa ba?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 699 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Iavdgq [Entry]

order lipitor pill <a href="https://lipiws.top/">lipitor medication</a> lipitor 20mg pill