Home » Articles » Legal Advice

Hinuhulugang motor na nanakaw, kailangan pa bang bayaran?

Hinuhulugang motor na nanakaw, kailangan pa bang bayaran?
"Dear Attorney,

Nanakaw po ang motor ko noong isang buwan. Ang problema ko po ay kung obligado pa po ba akong bayaran ang buwanang hulog sa motor. May isang taon pa po kasi ang kailangan kong hulugan sa motor na ninakaw.--Lester

Dear Lester,




Naging obligasyon mo na bayaran ang motor nang pinirmahan mo ang kontrata sa binilhan mo nito kaya kailangan mong tuparin ito. Naka­saad sa ating Civil Code na magsisilbing batas ang isang kontrata sa pagitan ng mga partidong pumasok dito kaya kailangan mong sundin ang mga napagkasunduan ninyo, kabilang na ang pagbabayad sa motor na binili mo.

May mga pagkakataon naman na pinapayagan ng batas ang isang may obligasyon na hindi tuparin ito. Ito ay kapag may tinatawag na force majeure o iyong mga kaganapan na hindi inaasahan o kung inaasahan man ay hindi mapipi­gilan. Sa kaso mo ay maaring ipagpalagay na force majeure ang naging pagnanakaw sa motor mo, batay sa sitwasyon kung paano ito nanakaw at kung wala ka bang naging kapa­bayaan bago ito nanakaw.




Kung wala kang naging pagkukulang sa pag-iingat sa motor mo ay maaring matawag na force majeure ang nang­yaring pagnanakaw at maaring makatakas ka sa obligas­yong bayaran ang halagang kailangan mo pang hulugan.

Kung mayroon ka namang naging kapabayaan at naiwasan sana ang pagnanakaw kung nag-ingat ka lang ay hindi force majeure ang nangyari at kailangan mo pa ring bayaran ang natitirang halaga na hinuhulugan mo kahit pa wala na sa iyo ang motor." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Hinuhulugang motor na nanakaw, kailangan pa bang bayaran?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 572 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0