Home » Articles » Legal Advice

Pakikipagkompromiso, hindi laging nangangahulugan ng pag-amin sa kasalanan

Pakikipagkompromiso, hindi laging nangangahulugan ng pag-amin sa kasalanan
"Dear Attorney,

Nakasagasa po ako at balak daw po akong sampahan ng kasong reckless imprudence ng aking nasagasaan. Iniisip ko po na makipag-areglo na lang ngunit nangangamba ako na baka gamitin itong ebidensiya ng pag-amin ko sa mga maaaring iakusa sa akin. Maipapayo mo po ba na ako ay makipag-kompromiso? -- Lanie

Dear Lanie,




Bagama’t ang pag-alok ng kompromiso sa mga criminal case ay maaaring gamiting ebidensiya ng pag-amin sa kasalanan ng akusado base sa ating Rules of Evidence, hindi naman saklaw ng probisyong ito ang mga kriminal na kasong may kinalaman sa negligence o kapabayaan katulad ng reckless imprudence.

Hindi rin maaaring gamitin na ebidensiya ang alok ng pakikipag-areglo kung wala pa namang kasong kriminal na nakasampa katulad ng sa sitwasyon mo. Dahil wala namang nakabinbing kaso laban sa akusado noong siya ay nag-alok ng areglo, hindi masasabi na isang paraan ng pag-amin sa kasalanan ang pag-aalok niya nito.




Base sa mga nabanggit, maaari mong subukang makipag-areglo sa nasagasaan mo hangga’t wala pang nakasampang kaso laban sa iyo.

Maipapayo ko na lang na mas mabuti kung kumuha ka ng tagapamagitan na siyang makikipag-usap sa partido ng nasagasaan para sa iyo. Mas maganda kung ang tagapamagitan na ito ay magiging maingat sa pagsasalita upang maipaliwanag niya na nakikipag-areglo ka lamang dahil gusto mong makaiwas sa gulo na dala ng demandahan at hindi  dahil sa umaamin ka sa pagkakasala mo o sa kung ano pa man." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Pakikipagkompromiso, hindi laging nangangahulugan ng pag-amin sa kasalanan" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 568 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0