Mayroon po akong hardware store na kasalukuyang nakasara dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine. Tanong ko lang po sana kung maari ko bang ipagpaliban ang pagbabayad ng kontribusyon sa SSS ng aking mga empleyado? --Emily
Dear Emily,
Batay sa Circular No. 2020-06 mula SSS na inisyu noong ika-28 ng Marso 2020, binibigyan ang mga regular employers na katulad mo ng palugit hanggang Hunyo 1, 2020 para sa remittance ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado. Saklaw ng palugit na ito ang mga kontribusyon para sa mga buwan ng Pebrero, Marso, at Abril ng kasalukuyang taon.
Ang deadline naman ng remittance ng kontribusyon para sa mga buwang kasunod ng Abril 2020 para sa mga regular employers ay sa huling araw ng kasunod ng partikular na buwan na iyon, alinsunod sa Circular 2019-12 na inisyu noong ika-6 na Agosto ng nakaraang taon. Bilang halimbawa, ang deadline ng remittance para sa Mayo 2020 ay papatak sa ika-30 ng Hunyo 2020.
Base sa mga nabanggit, maari mong ipagpaliban ang remittance ng February, March, at April contribution ng mga empleyado mo hanggang June 1, 2020 samantalang ang huling araw naman ng kasunod na buwan ang magiging deadline para sa mga buwan pagkatapos ng April 2020." - https://www.affordablecebu.com/