Home » Articles » Legal Advice

Nagkunwaring may tindahan para makautang, maaring makasuhan ng estafa

Nagkunwaring may tindahan para makautang, maaring makasuhan ng estafa
"Dear Attorney,

Puwede po bang makulong ang kaibigan kong nakakuha ng loan sa pamamagitan ng pagsasabing gagamitin niya ito sa online business niya kahit naman wala talaga siyang negosyo? Nasa P50,000 lang naman ang hiniram niya. Gusto raw niyang malaman, kasi lagi niyang naririnig na wala namang makukulong dahil sa utang. —Ram

Dear Ram,




Wala naman talagang nakukulong dahil sa utang pero walang kinalaman iyan sa sitwasyon ng kaibigan mo dahil maari siyang makulong para sa panlolokong ginawa niya upang makapanghiram ng pera.

Ang garantiya ng ating Saligang Batas na hindi makukulong ang sinuman dahil sa utang ay para lamang sa mismong hindi pagbabayad ng utang. Hindi na nito covered ang iba pang aksyon na may kinalaman sa naging utang katulad halimbawa ng panloloko o pag-iisyu ng tumalbog na tseke.




Ito ang dahilan kung bakit makukulong pa rin para sa kasong estafa ang isang hindi nakapagbayad ng utang kung ang hindi niya pagbabayad ay may kasamang panloloko o  kaya’y nag-isyu siya ng tumalbog na tseke kaugnay sa nasabing utang.

Sa sitwasyon ng kaibigan mo, may panlilinlang siyang ginawa upang makapanghiram ng pera. Masasabing krimen ng estafa ang ginawang pagpapanggap ng iyong kaibigan na siya ay may negosyo dahil gumamit siya ng deceit o panlilinlang  upang makuha ang halagang ipinahiram sa kanya.

Kaya hindi na mahalaga kung nasa P50,000 lamang ang inutang ng kaibigan mo. Dahil malinaw na may ginawa siyang panloloko upang makuha ang nasabing halaga, maari siyang maharap sa pagkakakulong." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Nagkunwaring may tindahan para makautang, maaring makasuhan ng estafa" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 614 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0