Home » Articles » Legal Advice

Minanang bahay, kailangan bang paghatian kaagad?

Minanang bahay, kailangan bang paghatian kaagad?
"Dear Atty.,

Ngayon po ay nakatira kaming tatlong magkakapatid at ang aming mga pamilya sa malaking ancestral home na iniwan sa amin ng aming mga namayapang magulang.

Sa ngayon po ay wala kaming balak ipagbenta ang bahay at paghati-hatian ang napagbentahan. Dahil napakalaki naman po ng bahay ay kuntento na po kaming mga magkakapatid at ang aming mga pamilya na manirahan ng sama-sama sa ilalim ng iisang bubong.




Gusto ko lang po sanang itanong kung may batayan sa batas ang aming kagustuhan at kung may kailangan ba kaming gawin upang maging pormal ang aming kasunduan pagdating sa bahay.

April




Dear April,

Kung wala namang iniwang last will ang inyong mga magulang ay walang magiging problema sa gusto n’yong mangyari.

Kung nagkataon kasing may huling habilin ang iyong mga magulang at ang isa o higit pa sa mga probisyon nito ay ukol sa ancestral home ninyo ay kakailanganin ninyong sumunod kahit pa taliwas ito sa gusto niyong mangyari magkakapatid.

Kung wala namang last will ay mas magiging madali ang buhay ninyo dahil automatic na co-owners kayo ng bahay bilang mga tagapagmana ng inyong mga magulang.

Bagama’t nakasaad sa Article 494 ng Civil Code na hindi obligado ang co-owner na manatili sa co-ownership ng isang ari-arian at maari niyang hilingin anumang oras ang paghahati nito ay nakasaad din sa nasabing article na maari namang pumasok sa isang kasunduan ang mga co-owners na hindi muna nila paghahati-hatian ang ari-arian.

Hanggang 10 taon ang maaring itagal ng nasabing kasunduan ngunit maari naman itong i-renew pagkatapos.

Paalala lamang na may kinalaman sa karapatan sa real property ang inyong magiging kasunduan ninyo kaya bukod sa nakasulat ang kasunduan ay mahalaga ring notaryado ito upang walang maging kuwestiyon sa bisa nito.

Nawa’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang na ang payo na aking ibinigay ay base lamang sa impormasyong iyong inilahad kaya maaring hindi maging angkop ito sakaling may mahahalagang detalye ka na hindi nabanggit." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Minanang bahay, kailangan bang paghatian kaagad?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 586 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0