Home » Articles » Legal Advice

Utang ng asawa, kailangan pa bang bayaran kahit hiwalay na?

Utang ng asawa, kailangan pa bang bayaran kahit hiwalay na?
"Dear Attorney,

Bagama’t hindi pa po kami nakakapagpa-annul ng kasal namin, hindi na po kami nagsasama ng asawa ko. Gusto ko lang po sanang malaman kung puwede ba akong habulin para sa mga inutang niya noong nagsasama pa kami na hindi ko naman alam o wala naman akong pahintulot. May nakapagsabi kasi sa aking marami na ang naghahanap sa asawa ko kaya nangangamba ako na baka ako naman ang habulin para managot sa mga inutang niyang pera.

--Maila




Dear Maila,

Ayon sa Family Code, paghahatian ng mag-asawa hindi lamang ang kanilang mga ari-arian kundi pati na rin ang mga obligasyon katulad ng utang na pinanagutan ng kahit isa lamang sa kanila.




Natural na mananagot ang parehong mag-asawa kung pinasok nilang dalawa ang obligasyon o kahit ng isa sa kanila lamang, basta’t pinahintulutan ito ng kanyang asawa. Ang isyu lang ay paano kung isa lamang sa mag-asawa ang umutang at walang kaalam-alam ang kanyang asawa tungkol dito. Nakasaad sa Article 94 ng nasabing batas na kailangang managot ang parehong mag-asawa sa mga obligasyon at utang na pinasok ng isa’t isa kung nakinabang sila pareho o ang kanilang pamilya dahil sa utang o obligasyon na ito.

Sa madaling sabi, kailangang managot ang asawa sa utang na pinasok ng kanyang kabiyak kung (1) nakinabang ang pamilya mula rito, alam man o pinayagan ito ng asawa niya o hindi; (2) kung hindi naman nakinabang ay pinasok nila ito pareho o pinayagan ng asawa ang kanyang kabiyak sa mag-isang pag-utang nito.

Ayon sa iyo, wala kang kaalam-alam sa utang na pinasok ng asawa mo kaya kung hahabulin ka man ng mga pinagkakautangan niya ay kailangan nilang patunayan hindi lamang ang pagkakautang ng asawa mo sa kanila kundi pati na rin na nakinabang ka at ang inyong pamilya sa inutang ng asawa mo, kung mayroon man.

Sakaling mapatunayan nila ang mga ito ay kailangang mong bayaran ang utang, kahit pa hindi na kayo nagsasama ng asawa mo lalo na’t ayon sa iyo ay hindi pa naman napapawalang-bisa ang inyong kasal." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Utang ng asawa, kailangan pa bang bayaran kahit hiwalay na?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 1196 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Diowvh [Entry]

order atorvastatin 80mg pill <a href="https://lipiws.top/">how to buy atorvastatin</a> lipitor 20mg uk