Home » Articles » Legal Advice

May karapatan ba ang lahat ng empleyado sa holiday pay?

May karapatan ba ang lahat ng empleyado sa holiday pay?
"Dear Attorney,

Mula po sa department store ay lumipat po ako ng trabaho sa mas maliit na tindahan kung saan iilan lamang po kaming mga empleyado. Napansin ko lang po na hindi po sila nagbibigay dito sa bago kong pinapasukan ng holiday pay, hindi katulad noong ako ay nagtatrabaho pa sa department store. Gusto ko lang po sanang itanong kung puwede po ba ito sa ilalim ng batas?—Norie

Dear Norie,




Hindi lahat ng empleyado ay may karapatan sa holiday pay, ayon sa Article 94 ng Labor Code.

Ang mga partikular na empleyadong hindi makakatanggap ng holiday pay ay ‘yung (1) mga government employees, kabilang na ang mga namamsukan sa mga government-owned or controlled corporations; (2) mga namamasukan sa mga tindahan o ‘yung mga establisyementong nagbibigay serbisyo na wala pa sa sampu ang mga empleyado; (3) mga domestic helper o ‘yung mga nagbibigay ng personal na serbisyo sa iba; (4) mga managerial employees na kabilang sa nabanggit sa Book III ng Labor Code; at (5) mga field personnel o ‘yung mga gumaganap ng kanilang mga tungkulin na malayo sa tanggapan ng employer at hindi sinusubaybayan kaya hindi matiyak ang aktwal na oras ng kanilang trabaho.




Nabanggit mo na sa maliit na tindahan ka namamasukan ngayon. Katulad ng nabanggit ko, kung kayong mga empleyado ay wala pa sa sampu ay hindi ka talaga makakatanggap ng holiday pay. Kung nasa sampu naman kayo o higit pa at hindi rin angkop ang iba pang nabanggit kong klase ng empleyado ay masasabing may paglabag sa Labor Code ang pinapasukan mo dahil kailangang bayaran ka ng holiday pay.

Lahat nang manggagawa na sakop ng patakaran sa holiday pay ay dapat bayaran ng kanilang regular na arawang sahod  kahit pa sila ay hindi pumasok sa araw ng pista opisyal basta’t sila ay nagtrabaho o hindi kaya’y naka-leave with pay isang araw bago ang mismong holiday. Kung pumasok naman ang empleyado sa araw ng holiday ay kailangan siyang bayaran ng 200% ng kanyang arawang sahod." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"May karapatan ba ang lahat ng empleyado sa holiday pay?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 793 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Ioyhwm [Entry]

buy lipitor for sale <a href="https://lipiws.top/">atorvastatin 40mg uk</a> atorvastatin 10mg uk