Home » Articles » Legal Advice

Makatatanggap ba ng suweldo kapag nasa ilalim ng preventive suspension?

Makatatanggap ba ng suweldo kapag nasa ilalim ng preventive suspension?
"Dear Attorney,

Pinatawan po ako ng preventive suspension ng aming kompanya dahil sa mga bintang sa akin na wala namang katotohanan. Tama ba na ipagkait sa akin ang sahod ko habang suspendido ako kahit wala namang basehan ang mga akusasyon nila sa akin?—Tom

Dear Tom,

Alinsunod sa Section 8 ng Rule XXIII, Book V ng Omnibus Rules ng Labor Code, maaring patawan ng preventive suspension ang isang empleyado habang siya’y iniimbestigahan para sa mga sinasabing  pagkakasala niya, kung ang patuloy niyang pagpasok sa trabaho ay magdudulot ng panganib sa buhay o ari-arian ng kanyang employer o ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Nilinaw din ng Korte Suprema sa kaso ng Beja Sr. v. CA (207 SCRA 689) na hindi parusa ang pagpapataw ng preventive suspension sa isang empleyado. Bagkus ay isa lamang itong paraan ng pag-iingat sa panig ng employer upang malayang maimbestigahan ang sinasabing ginawang kamalian ng empleyado.

Base sa mga nabanggit at dahil na rin sa prinsipyo ng “no work at no pay,” sadyang walang matatanggap na sahod ang empleyadong pinatawan ng preventive suspension.

Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na makukuha ng empleyadong sinuspinde ang kanyang sahod sa lahat ng pagkakataon. Sakali kasing mapatunayan na wala naman palang basehan ang pagpapataw ng preventive suspension sa kanya ay kailangan ng employer na bayaran ang mga sahod na hindi niya natanggap dahil sa kanyang pagkakasuspinde.

Importante ring malaman mo na hanggang 30 araw lang ang maaring itagal ng isang preventive suspension. Kapag sumobra na sa 30 araw ang preventive suspension mo ay may basehan ka na para ireklamo ang iyong employer dahil masasabing  constructive dismissal na o hindi diretsahang pagsisante ang matagal na pagkakasuspinde sa iyo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Makatatanggap ba ng suweldo kapag nasa ilalim ng preventive suspension?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 491 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0