Home » Articles » Legal Advice

Kawalang-bisa ng kasal, kailangang ideklara ng korte kahit ano pa ang dahilan nito

Kawalang-bisa ng kasal, kailangang ideklara ng korte kahit ano pa ang dahilan nito
"Dear Atty.,

Gusto na naming magpakasal ng boyfriend ko ngunit inamin niya sa akin na may record siya sa NSO na siya ay kasal sa iba. Ipinaliwanag naman niya sa akin na walang bisa raw talaga ang kasal niyang iyon dahil hindi naman sila nagsama ng babae na may edad na at hindi naman din daw sila nakakuha ng marriage license bago ang kanilang naging kasal. Tama po ba siya na walang balakid para sa aming sakaling pagpapakasal?

Lorie




Dear Lorie,

Isa sa mga puwedeng maging dahilan ng pagkawala ng bisa ng isang kasal ay ang kawalan ng marriage license at kung totoo ang sinasabi ng boyfriend mo na wala nga silang marriage license ay masasabing walang bisa ang naging kasal nila.




Ngunit hindi basta-basta ang pagpapawalambisa ng isang kasal. Kung nasa records ng NSO na siya ay kasal, kailangan pa rin niyang dumaan sa korte upang hilingin na ideklara ang kawalan ng bisa nito sa kadahilanang wala naman silang marriage license ng babaing kanyang pinakasalan. Hindi rin sapat na basta lang niya sasabihin na wala silang marriage license; kailangang patunayan niya rin ito sa korte.

Kapag naideklara na ng korte ang nullity ng isang kasal ay saka lamang masasabing wala na itong bisa kahit ano pa man ang naging depekto nito sa simula.

Kailangang dumaan sa prosesong ito ang boyfriend mo, gaano man ito kagastos at kabagal dahil maari siyang makasuhan ng bigamy sakaling tumuloy kayo sa pagpapakasal. May krimen ng bigamy kung ang isang tao ay nagpakasal ng ikalawang beses habang ang unang kasal niya ay nanatiling may bisa pa sa ilalim ng batas.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang na ang payong legal na nakasaad dito ay base lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Kawalang-bisa ng kasal, kailangang ideklara ng korte kahit ano pa ang dahilan nito" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 427 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0