Home » Articles » Legal Advice

Iba ang pagpapa-blotter sa pagsasampa ng kaso

Iba ang pagpapa-blotter sa pagsasampa ng kaso
"Dear Attorney,

Pina-blotter ko ang kapitbahay namin sa pulis at sa barangay matapos niya akong pagbantaan ngunit mag-iisang taon na po pero wala pang nangyayari sa reklamo ko. Paano po kaya uusad ang kaso? —Elmer

Dear Elmer,




Iba ang pagpapa-blotter sa pagsasampa ng kaso o demanda.

Ang blotter ay isa lamang report ukol sa isang insidenteng kaugnay sa krimen at hindi ito katumbas ng isang pormal na complaint o reklamo na magiging simula ng proseso para sa pagdinig ng isang kriminal na kaso.




Isa lamang itong record ng pangyayari na inireport sa pulis o sa barangay kaya hindi mo maaring asahan na pagsisimulan ito ng isang aktwal na kaso.

Ayon sa Section 1, Rule 110 ng Revised Rules of Criminal Procedure, ang unang hakbang sa pagsasampa ng kriminal na kaso ay ang paghahain ng complaint o reklamo sa prosecutor’s office o sa piskalya upang masimulan na ang preliminary investigation ng kaso.

Matapos ang imbestigasyon na ito at kung makita ng piskal na may probable cause o may sapat na basehan ang krimeng inirereklamo ay saka niya ito isasampa sa hukuman na didinig at maglilitis sa kaso.

Gayunpaman, bagama’t hindi bahagi ang pagpapa-blotter ng pormal na proseso ng pagsasampa ng kaso, maganda pa ring gawin ito lalo na kung may balak ka talagang magdemanda. Maari kasing magamit ang barangay o police blotter bilang ebidensiya sa krimen at laban sa mga inaakusahang gumawa nito lalo na kung naipa-blotter kaagad ang insidente pagkatapos na pagkatapos nitong mangyari.

Kaya may halaga pa rin ang ginawa mong pagpapa-blotter, iyon nga lang, kailangan mong magsampa ng pormal na reklamo sa piskalya upang simulan ang aktwal na kaso kung saan mapapakinabangan ang blotter bilang isa sa mga ebidensiya na nagpapatunay sa krimeng naganap." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Iba ang pagpapa-blotter sa pagsasampa ng kaso" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 1132 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0