Home » Articles » Legal Advice

Demand letter, mahalaga sa pagsasampa ng kaso

Demand letter, mahalaga sa pagsasampa ng kaso
"Dear Attorney,

Maari ko po bang kasuhan ang kompanya ko? Na-hire po ako ng isang kompanya dito sa Metro Manila ngunit hindi pa po nila ako ginagawang regular na empleyado kahit na noong January pa ako nagsimulang magtrabaho sa kanila. — Andy

Dear Andy,


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-Instream_Video'); });



Nakasaad sa Article 296 ng Labor Code na hanggang anim na buwan lang dapat ang probationary period ng isang empleyado ngunit dahil sa nangyaring lockdown sa buong Luzon ay inisyu ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong ika-30 ng Marso ang Labor Advisory No. 14, Series of 2020 para sa mga pribadong kompanya upang klaruhin na hindi isasama sa pagbibilang ng anim na buwang probationary period ang panahon na saklaw ng noo’y umiiral na ECQ.

Dahil nagkaroon ng sunud-sunod na extension ang lockdown ay nag-isyu pa muli noong ika-9 ng Mayo ang DOLE ng Labor Advisory No.14-A kung saan pinalawig ang panahon na hindi bibilangin sa probationary period. Bukod sa panahon ng lockdown ay hindi rin isasama sa pagbibilang ng anim na buwang probationary period ang mga panahong sarado at walang ope­rasyon ang kompanya, pati na ang mga araw na hindi naman pinagre-report sa trabaho ang empleyado dahil sa ipinapatupad na community quarantine sa kanilang lugar.


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });



Batay sa mga Labor Advisories na nabanggit, maaring extended ang probationary period mo dahil hindi nito saklaw ang mga araw na pansamantalang suspendido ang operasyon ng kompanya mo at ang mga araw na hindi kayo pinagreport sa trabaho.

Ngunit kung sa tingin mo ay aabot na o higit pa sa anim na buwan ang kabuuang panahon ng pamamasukan mo sa kompan­ya kahit pa ibawas ang mga araw na wala kayong operasyon o hindi ka pumasok ay maaring may batayan nga ang pagsasampa ng reklamo laban sa kompanya mo.

Siguraduhin mo muna kung anim na buwan ba talaga ng nakatakdang probationary period mo dahil maaring mas matagal pa ito base sa klase ng trabaho. Linawin mo rin sa management ninyo kung anim na buwan o higit na ba ang itinatagal mo sa kompanya. Kung sigurado ka na sa dalawang bagay na ito at sa tingin mo ay dapat na regular ka na ngayon ay masasabing may basehan ang pagsasampa mo ng reklamo. May posibilidad kasi na ginagamit lang na dahilan ang pandemya upang makaiwas sa regularization ng mga empleyado at sa pagbabayad ng tamang benepisyo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Demand letter, mahalaga sa pagsasampa ng kaso" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 555 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0