Home » Articles » Legal Advice

Hindi lahat ng reklamo ay kailangang idaan sa barangay

Hindi lahat ng reklamo ay kailangang idaan sa barangay
"Dear Attorney,

Gusto ko pong sampahan ng kasong cyberlibel ang mga kapitbahay ko na nagkalat ng paninira laban sa akin sa Facebook ngunit may nakapagsabi sa akin na kailangan daw munang dumaan sa barangay ang mga magsasampa ng kaso upang bigyan ng pagkakataong makapag-ayos ang mga partido. Kailangan ko pa po ba talagang dumaan sa barangay? Wala kasi akong tiwalang magiging patas ang opisyal sa lugar namin dahil kamag-anak nila ang mga plano kong sampahan ng kaso.

--Lheny




Dear Lheny,

Hindi lahat ng kaso ay kailangang dumaan sa barangay bago ito maisampa. Nakasaad sa Section 408 ng Local Government Code na hindi saklaw ng Lupong Tagamapayapa ng isang barangay ang mga kasong may kinalaman sa mga krimeng may parusang aabot ng higit sa isang (1) taon na pagkakakulong o multa na hihigit sa limang libong (5,000) piso.




Malinaw na hindi mo na kailangang dumaan sa barangay at kumuha ng Certificate to File Action dahil nakalagay sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 na ang cyberlibel ay pinaparusahan ng pagkakakulong na naglalaro mula sa anim (6) na buwan at isang araw hanggang anim (6) na taong pagkakakulong at pagmumulta ng 200 hanggang 6,000 pesos.

Dahil ang maximum na maaring ipataw sa isang mahahatulan ng guilty sa salang cyberlibel ay anim (6) na taon at multang aabot ng anim na libong (6,000) piso ay hindi na ito sakop ng katarungang pambarangay at maari ka nang dumiretso sa piskalya sa inyong lugar upang doon mo na mismo ihain ang iyong reklamo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Hindi lahat ng reklamo ay kailangang idaan sa barangay" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 626 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Wiohmy [Entry]

atorvastatin uk <a href="https://lipiws.top/">buy lipitor cheap</a> lipitor 80mg oral