Home » Articles » Legal Advice

Asawang nang-iwan, may karapatan pa bang magmana?

Asawang nang-iwan, may karapatan pa bang magmana?
"Dear Attorney,

Idinemanda po ako ng estafa at kasalukuyan na pong nililitis ang aking kaso. Nabalitaan ko kamakailan lang na binawian na ng buhay ang mismong nagsampa ng kaso sa akin. Madi-dismiss na po ba ang kaso ngayong wala na ang nagrereklamo?

Andy




Dear Andy,

Ayon sa Article 89 ng Revised Penal Code, ang mga sumusunod ang mga maaring dahilan ng pagkawala ng criminal liability o kriminal na pananagutan:


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });



1. Pagkamatay ng convicted na akusado;

2. Pagsisilbi ng sentensiyang ipinataw;

3. Pagkakaloob ng amnestiya;

4. Pagkakaloob ng absolute pardon;

5. Kapag lumipas na ang panahong itinakda ng batas para sa pagsasampa ng kasong kriminal; at

6. Kapag lumipas na ang panahong itinakda ng batas para sa pagpapataw ng parusa sa convicted na akusado.

Mapapansin mo na ang pagpanaw ng private complainant ay wala sa mga nabanggit na dahilan upang mawala ang kriminal na pananagutan ng isang akusado. Hindi naman kasi isinasampa ang kriminal na kaso sa ilalim ng pangalan ng nagreklamo kung hindi sa ngalan ng “People of the Philippines.”  Samakatuwid hindi makaaapekto ang pagkamatay ng nagreklamo sa takbo ng iyong kaso, na magtutuloy-tuloy lang ang takbo.

Kadalasan nga lang sa mga kriminal na kaso, ang private complainant lamang ang tanging testigo laban sa akusado kaya sa huli ay acquittal din ang kahahantungan ng kaso kung wala na ang private complainant at hindi pa niya nailalahad ang kanyang testimonya sa korte at wala nang ibang ipineresentang ebidensya ang prosekusyon.

Kaya kung nagawa nang tumestigo laban sa iyo ng private complainant ay hindi dapat makaapekto ang pagkamatay niya sa takbo ng kaso mo. Kung hindi pa ay saka lang ito maaring maging dahilan ng iyong acquittal kung wala ng ibang ebidensiya laban sa iyo.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Asawang nang-iwan, may karapatan pa bang magmana?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 604 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Nulbkd [Entry]

lipitor 80mg pill <a href="https://lipiws.top/">buy atorvastatin 10mg for sale</a> brand atorvastatin 80mg