Namayapa na po noong isang buwan ang aming ama at may naiwan siyang malaking halaga sa banko. May nakapagsabi po sa amin na kailangan muna naming bayaran sa BIR ang tax sa kanyang mga naiwang ari-arian bago namin ma-withdraw ang nilalaman ng kanyang bank account. Tama po ba ito? Wala po bang paraan para ma-withdraw kahit ang bahagi lang ng bank account ng aking ama? – Leslie
Dear Leslie,
Dahil sa Republic Act 10963 o TRAIn Law, hindi na kailangang bayaran ang buong estate tax na ipapataw sa kabuuang halaga ng mga ari-ariang naiwan ng namatay bago ma-withdraw ng kanyang mga kaanak ang nilalaman ng kanyang bank account.
Salamat sa TRAIn Law at napabilis na ang pagwi-withdraw ng mga heirs o tagapag-mana mula sa bank account ng namayapa dahil babawas na lang ang banko ng 6% final withholding tax sa inyong iwi-withdraw. Ang halagang binawas ito ay magsisilbing bahagi ng estate tax kaya ibabawas na ito sa komputasyon ng kabuuang halaga ng estate tax na kailangan n’yong bayaran sa BIR.
Bago makapag-withdraw, kailangan n’yo munang i-secure ang BIR Form No. 1904 at tax identification number o TIN ng estate ng namayapa dahil ito ang ipre-presenta niyo sa banko kapag hihiling na kayo ng withdrawal. Kailangan n’yo na ring siguraduhin na nakahanda ang mga patunay ng inyong pagkakakilanlan bilang tagapagmana ng inyong ama at iba pang mga dokumento na maari ring hingin ng banko." - https://www.affordablecebu.com/