Ito ay isang magandang "essay" o sanaysay tungkol sa Nutrition Month na ginawa ni Vhen.
My essay for 2012's Nutrition Month...
(Babala.Lalo na sa mga estudyante.STRICTLY.pls.no copy pasting :)
"Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain!"
by Vhen
Bakit NATIN kailangang kumain ng gulay? Sapat na ba ito para sa pangangailangan ng ating katawan at para na ring mapanatili ito sa malusog na kundisyon nito? Ano-ano ang mga benepisyong makukuha natin sa pagkain nito araw-araw? Masosolusyunan ba ang sandamakmak na problema ng bansa kapag araw-araw itong ihahain? Ang sagot? Oo. (habang may nakaambang tanong na bakit? at sa paanong paraan?)
Alam naman ng lahat na ang gulay ay masustansiya pero madaming pa ring mga bata ang ayaw kumain nito. Hindi lang ang mga kabataan, pati na din ang mga matatanda. Bakit? Nangungunang sagot dito ang: Hindi magandang lasa. Ang mga bata ay mahihilig kumain ng mga pagkaing matatamis, maaalat, at junk foods (Nakapagtataka dahil pag titignan ang mga pakete ng mga junk foods ay aprubado ng Department of Health pero dini-discourage ang pagkain ng mga bata rito). Yung mga gulay na ayon nga sa dahilan kung bakit ayaw nila ito ay dahil mapait ang lasa ng ilang uri ng gulay. Kinakailangan pa ng mahabang proseso para masanay silang kainin ito. Maaaring nagkukulang ang mga magulang sa pagsasanay at paghihikayat na kumain ng ganitong uri ng pagkain.
Ayon sa mga nutritionists at dieticians, malaki ang posibilidad na maging masama ang pangangatawan ng isang tao (hindi lang bata) kapag hindi siya kumakain ng gulay. NAPAKAlaki ng posibilidad at samu’t-saring panganib na magkaroon ang isang tao ng cancer, sakit sa puso, diabetes, blood sugar levels, at ang pasikat na MALNUTRISYON, lalo na ang mga taong mahilig uminom ng alak, manigarilyo, at gawin ilan pang paraan ng bisyo na hindi naman nasusuklian ng pagkain ng masusustansiyang pagkain.
Hindi ka mamamatay kapag kumain ka ng gulay. MAS papahabain pa nito ang buhay mo sa murang halaga at abot-kaya pa ng mga bitin sa budget. Pwede ding magtanim nito sa inyong mga bakuran sa kanya-kanyang bahay at madali lang ito palaguin. Maaaring isangkap rin ito sa iba’t-ibang rekados ng mga pagkain.
Ano ang solusyon? Simple. Sanayin sila habang maaga pa. Ang mga matatanda ay nararapat na paliwanagan at hikayating kumain ng mga gulay, at di magtatagal ay magugustuhan nila ito at kapag nakagawian na nila ito,ang kumain ng gulay na ihahain araw-araw, magkakaroon sila ng malakas na pangangatawan, at malinaw na pag-iisip, makakapag-aral mabuti, makakapag-isip ng mabuti, makakapagtrabaho ng maayos, mabubuhay ng maayos, walang sagabal, solb ang problema ng bansa. Kung maayos ang pag-iisip, walang mahirap. Lahat may maunlad na buhay.
Mula sa simpleng paghahain at pagkain nito araw-araw, malaking tulong na din yun para sa ikauunlad ng bansa. Sabayan pa ng prutas. Ahhaayy! Tiyak akong masigla sa pag pasok sa eskwelahan ang mga chikiting at masiglang makakapagtrabaho sina nanay at tatay.
Kung maghihintayan tayong may magsisimula ng ganitong tradisyon, isang napakahabang panahon pa ang hihintayin natin para sa pagpanatili ng maayos na pangangatawan ng mga bata at matatanda. Kung sisimulan natin sa sarili nating kaparaanan at ipapauso ang paghahain nito araw-araw ay magiging asal na ng lahat ang kumain nito at di magtatagal, lahat ng taong makakasalubong natin ay masigla at malusog.
Ikaw? Kailan ka magsisimula? Nasimulan mo na ba?
- https://www.affordablecebu.com/