Home » Articles » Health

Buwan ng Nutrisyon 2013

Sa Pilipinas, karaniwang ipinagdidiriwang sa mga paaralan ang "Buwan ng Nutrisyon" tuwing buwan ng Hulyo. Ito ay ginagawa upang lalong madagdagan ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa nutrisyon ayon sa Presidential Decree 491 o "The Nutrition Act of the Philippines". Ang National Nutrition Council (NNC) ang nangunguna sa pagdiriwang na ito sa buong bansa at sa paggawa ng tema tungkol sa nutrisyon taun-taon.
Tema

Ang Buwan ng Nutrisyon nitong taong 2013 ay may temang "Gutom at malnutrisyon, sama-sama nating wakasan!".

Ang tema na ito ay muling nagpapahalaga sa paggawa ng mga paraan at programa para maibsan ang kagutom at maiwasan ang malnutrisyon.

Layunin ng Pagsasagawa ng Buwan ng Nutrisyon 2013

Layunin ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2013 ang mga sumusunod:
  1. palawakin ang kaalaman sa mga isyu ng kagutom at mga paraan upang maiwasan ang kagutom at malnutrisyon
  2. hikayatin ang mga kinauukulan na lumahok sa pagsugpo ng kagutom
  3. gawing adhikain ang isang mas malakas na aksyong-political upang tapusin ang kagutom.
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Buwan ng Nutrisyon 2013" was written by Mary under the Health category. It has been read 8537 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 June 2013.
Total comments : 0