Home » Articles » Filipino

Buwan ng Wika 2018 Theme (Tema)

Maraming mga mag-aaral at maging mga guro ang nagtatanong at nagreresearch kung ano ba ang tema or "theme" ng Buwan ng Wika ngayong taong 2018.

Opisyal na ipinasya ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Hunyo 14, 2018 na ang tema (theme) ng Buwan ng Wika nitong taong 2018 ay "Filipino: Wika ng Saliksik".

Bakit ito ang naging tema? Alamin ang sagot sa ibaba.
Buwan ng Wika 2018 Theme Tema

"Filipino: Wika ng Saliksik" - Bakit ito ang naging tema ng Buwan ng Wika ngayong 2018?

Nais ng KWF na kilalanin ang wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran.

Sa pamamagaitan daw ng temang ito, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.

Baka may iba diyan na nahihirapan sa pagkaintindi ng salitang "saliksik" na ginamit sa tema. Ano ba ang "saliksik"?

Ang "saliksik" ay katumbas ng research sa Ingles. Alam mo siguro ang mga salitang nagsasaliksik o pananaliksik?

Saliksik o "research", ibig sabihin nito ay matalik na paghahanap. Naghahanap tayo ng sagot o mga sagot sa ating mga katanungan.

Kaya tayo nagsasaliksik. Ang akto ng paghahanap na ito ay tinatawag na "saliksik".

Gusto ng KWF na gamitin natin ang wikang Filipino sa pagsasaliksik natin ng kaalaman.

Anu-ano ang iilan sa mga halimbawa ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsasaliksik ng kaalaman?

  • Kung gumagawa ka ng thesis o research paper lalo na sa larangan ng agham at matematika, gamitin mo ang wikang Filipino sa pagsulat ng mga salita at pangungusap
  • Kung may balak kang gumawa ng sarili mong libro, isulat mo ito sa wikang Filipino.
  • Kung gusto mong gumawa ng blog o website, gamitin mo ang wikang Filipino.
  • Kung isa kang doktor at nagpapayo ka sa mga maysakit, gamitin mo ang wikang Filipino
  • Kung isa kang guro sa Math o Science, sikapin mo ring gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo.
  • at marami pang iba...
Nais ng KWF na habang papalago ang kaalaman sa siyensa at matematika, kinakailangan papalago rin ang wikang sariling atin - ang wikang Filipino. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Buwan ng Wika 2018 Theme (Tema)" was written by Mary under the Filipino category. It has been read 76018 times and generated 15 comments. The article was created on and updated on 01 July 2018.
Total comments : 15
Pudxei [Entry]

buy generic atorvastatin 80mg <a href="https://lipiws.top/">cheap atorvastatin 10mg</a> atorvastatin 20mg for sale
ghie [Entry]

May suggestion po ba kayo kung paano ko magandang maidiscuss ang tema ng buwan ng wika? para po sa opening ng program nmin thankyou
theapaderanga [Entry]

magandang gabi po admin, nais ko lang po sanang humingi ng tulong sa inyo na kung sana po maaari po ba kayong magbigay ng mga halimbawang sanaysay ng larawan na siyang maaaring maiugnay sa tema ng buwan ng wika 2018 "Wika ng Saliksik", kung pwede lng po :)))
Jonalyn O. Guinid [Entry]

hello po admin, pupwede po bang makahingi ng kahit anong piyesa na pwede naming magamit sa mga patimpalak sa buwan ng wika? salamat po
Princess [Entry]

pwede po bang humingi ng tulong kung ano po ang pwedeng ilagay sa slogan making tungkol sa WIKA NG SALIKSIK?
Guest [Entry]

Princess, heto ang mga halimbawa ng mga slogan tungkol sa BUWAN NG WIKA - Filipino: Wika ng Saliksik. ---> https://www.affordablecebu.com/load....-0-3924
Eva Mae Dapitan [Entry]

good eve po!
nais ko lang po sanang humingi ng tulong sa inyo admin na kung sana po maaari po ba kayong magbigay ng mga halimbawang talumpati na siyang maaaring maiugnay sa tema ng buwan ng wika 2018 " WIKA NG SALIKSIK"
cherish [Entry]

Gandang gabi po.
Meron po kayo halimbawa ng balagtasan na maaring maiugnay sa tema po ngayon na FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK na maari pong magamit na piyesa sa aming patimpalak . Maraming salamat po.
lilibeth lotino [Entry]

tnx po sa infos
Akisha Neelaine [Entry]

Good Evening po admin ask ko lang po kung pwede gumawa po kayo ng sanaysay tungkol sa tema ngayong buwan ng wika.
Salamat po admin
Joanna Marie Sarmiento [Entry]

Hello.. Paano po Gawan ng isang tula kapag ang theme Filipino : Wika ng saliksik. Paano po sisimulan?
Guest [Entry]

Merong mga magagandang tula tungkol sa temang "Filipino: Wika ng Saliksik" na nakasulat dito - https://www.affordablecebu.com/tula-tu....aliksik.
Jessie [Entry]

Gudeve po. Panu po kung walang katumbas ung salita o terms c for example science o math ay walang kaakibat na kahulugan o translation sa filipino? Panu po Yun? Thanks po.
Guest [Entry]

Ang translation ng "science" sa Tagalog ay agham o siyensya. Yung "math" ay "math" o "mat". Ito'y tinatawag na mga salitang-hiram. Salitang-hiram ang tawag sa mga salitang wala pang opisyal na salin (translation) sa Tagalog kaya hinihiram na lang natin ang kanilang mga salita at ginagamit natin. Pero sa kalaunan, nagbabago ang wika. Ang ibang salitang-hiram ay maaaring magkaroon ng kanilang sariling salin sa wikang Tagalog. Ang mga tao ang gumagawa ng mga salita. Kung ano ang kalimitan at maging "popular" na salin o "katawagan" sa Tagalog ng salitang hiram ay yan ang maaaring salin talaga.
Jocen M. VArgas [Entry]

thank u po