Ang layunin ng pagtatanghal ng dulang Katutubong Kwento na ito ay ang mga sumusunod:
- maitampok ang pangangalaga, pagpapayaman at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko at intelektwal na pagpapahayag;
- maipakilala ang mga pamanang historikal at kultural ng bansa sa pamamagitan ng iba’t ibang mga tagpong nagpapakita ng mga katutubong sayaw, kagamitan, tradisyon at mga ritwal o seremonya;
- maipalaganap ang paggamit ng wikang Filipino at mabigyang kahulugan at katuturan ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2012 na: "Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino;” at
- maitampok ang kahalagahang estetiko ng sining sa pagtatanghal ng mga ganitong uri ng dulang klasikal.
Ang mga manonood ng dula ay ang mga mag-aaral mula sa paaralang elementarya at sekundarya, na pampubliko at pampribado, mga miyembro ng iba’t ibang samahang pangwika at pang-edukasyon, mga gurong nagtuturo ng Filipino at ng mga asignaturang ang wikang panturo ay Filipino.
Para sa iba pang impormasyon, tumawag o makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
- https://www.affordablecebu.com/G. Robinson K. CedreDirektor ng DulaTrends & Techniques Resource Center and Training ServicesMobile Phone Number.: 0929-871-3379E-mail Address: trends_techniques@yahoo.com / cedre_r@yahoo .comDr. Carmelita AbdurahmanKomisyonerKomisyon sa Wikang Filipino (KWF)Mobile Phone No.: 0908-137-1502