Kinahihilligan ng mga Pinoy ang kumain ng street foods.
Kwek-kwek, isaw, tempora ang ilan lamang sa mga ito.
Itinitinda ito madalas sa kalye, kaya kailangan pa ring mag-ingat sa mga peligrong dulot nito.
Ngayong tag-init, pinayuhan at pinaalalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga mamamayan na mag-ingat sa pagbili at pagkain ng mga bantog na kinahihiligang mga street foods.
Tuwing mainit ang panahon, maraming mikrobyo ang kumakapit sa pagkain na siyang naging dahilang ng pagtatae.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, dapat mag-ingat dahil lantad ang mga street foods sa mga insekto gaya ng langaw, na nagdadala ng mga mikrobyong nagdudulot ng sakit tulad ng Typhoid, nagiging sanhi ng pagtatae o "diarrhea".
Hindi lang ang mahihilig kumain ang pinayuhan ng DOH kundi ang mga nagtitinda rin. Ayon sa DOH, dapat magdoble-ingat sa paghahanda at pagluluto ng mga street food ang mga tindera at tindero.
Dapat tiyak na malinis ang itinitinda at ipinagbibili nila upang maging ligtas ang mga mamimili.
Hindi lang sa pagluluto at paghahanda ang kailangang intindihin ng mga nagtitinda kundi ang kanilang pangangatawan din.
Sabi ni Dr. Suy, mahalaga ang kalinisan ng katawan ng mga nagtitinda upang tangkilikin ito ng mga mamimili at makasisigurong ligtas ang mga ito sa anumang sakit.
Sa mga Pinoy na street foods ang hilig, dobleng ingat.
Tiyakin ang kalinisan at unahin ang kaligtasan bago kumain sa pagkaing animoy napakasarap.
- https://www.affordablecebu.com/