Global Warming sa Pilipinas
Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan.
Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran.
Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sandaigdig.
Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming.
Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito.
Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere.
At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagnyayari sa kasalukuyang panahon.
Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.
Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari.
Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming.
Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan.
Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.
Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming.
Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira ng ating kapaligiran.
Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap.
Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran.
Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. - https://www.affordablecebu.com/