May nakakatakot na namang sakit na kumitil ng maraming buhay sa kontinente ng Africa.
Ang Ebola Virus Diesease (EVD) mas kilala noon na Ebola Hemorrhagic Fever.
Sa kasalukuyan, apektado ang mga bansa ng West Africa tulad ng Guinea, Liberia at Sierra Leone.
Ito ay unang nakita noong 1976 sa Zara, Sudan at Yambuku, Democratic Republic ng Congo.
Sa ngayon lumalaki ang bilang ng taong nahawa ng sakit na ito.
Ang sinumang mahawa ay magkakaroon ng sintomas sa loob ng 2 hanggang 21 araw.
Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng Ebola Virus ay lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng katawan at lalamunan, mapupulang mata, pagtatae, pagsusuka, pagsakit ng tiyan, labis na panghihina, pagdurugo sa labas at loob ng katawan at pagkasira ng bato at atay.
Nagpahayag ang World Health Organization (WHO) na walang Ebola vaccine bago ang taong 2015.
Dumating sa Liberia ang experimental Ebola drug (ZMAPP) na ginagamit ng dalawang Liberian doctors na tinamaan ng sakit.
Bagama't inaprubahan na ng WHO ang paggamit ng experimental drug hindi pa rin sigurado kung mabisa ito.
Mahigpit nang binabantayan partikular ang mga hayop na manggagaling sa Ebola-hit countries.
Bukod sa mga taong may sakit ay madaling makuha ang Ebola virus sa pamamagitan ng tinatawag na 'zoonotic disease transmitted to humans by direct contact with infected live or dead animals'.
Wala namang ulat na pumasok na sa 'Pinas ang nakamamatay na sakit na ito.
Makakatulong ang malawakang pagpapalaganap ng tamang impormasyon upang maiwasan ang sakit na ito.
Maging ang pagsasanay ng mga health workers kung paano pangalagaan ang pasyente at kanilang sarili laban sa sakit na ito.
Umaasa ang Centers for Disease Control and Prevention na mawala ang sakit na Ebola Virus ngunit hindi madaling puksain ito.
Dapat bigyan ito ng pansin sapagkat mahirap itong puksain.
Mahirap isnabin ang Ebola.
Ito ay seryosong sakit kaya dapat tayo ay maghanda at mag-ingat. - https://www.affordablecebu.com/