Home » Articles » Literature

Sanaysay Tungkol kay Papa at Mama

Narito ang isang halimbawa ng sanaysa tungkol kay Papa at Mama na pinamagatang "Mahal Kong Papa at Mama".
Sanaysay Tungkol kay Papa at Mama

Mahal Kong Papa at Mama

sinulat ni Dong Choco

Bawat araw sa aking buhay, tinulungan ninyo ako at ibinigay ninyo sa akin ang aking mga gusto.

Karamihan sa mga hiningi ko, binigay ninyo. Palagi ninyo akong iniisip.

Alam ko mahirap magtrabaho at mag-ipon ng pera, kaya nagpapasalamat ako ng buong puso.

Ngayong nasa high school na ako at dalawang taon na lang bago ako pupunta sa kolehiyo.

Gusto ko pag-usapan ang pag-aaral sa ibang bansa.

Palagi ninyo akong sinasabihan na dapat ako ay magsikap sa aking pag-aaral at dapat ibigay ko ang aking lahat.

Ngayon, gusto ko sana mag-aral sa ibang bansa at palakihin ang aking mundo.

Hindi lahat ng tao ay mayroong sapat na pera. Hindi lahat ng taong ay nakakakuha ng ganitong oppurtunidad.

Kaya sana payagan ninyo ako. Isang beses lang ako magiging estudyante, kaya gusto ko gawin ang aking lahat upang maging masaya ang panahon ko sa college.

Marami akong bagong matututunan at makililalang tao sa ibang bansa. Bukod doon, mas maganda ang edukasyon sa ibang bansa at mas maraming opportunidad ang makukuha ko.

Kung natatakot man kayo na mag-isa lang ako, huwag na kayo matakot sapagkat isa itong opportunidad na lumaki bilang tao at maging mas responsible.

Pinalaki naman ninyo ako ng mabuti kaya huwag na kayong kabahan, hindi naman ako gagawa ng gulo sa ibang bansa.

Ito talaga ang nasa aking puso. Handa ako mag-sakripisyo at gawin ang lahat upang ito ay mangyari. Walang mawawala kung susubukan ko ito at malay ninyo, makakagawa rin ako ng mabuti.

Kung papayagan ninyo ako, sisiguraduhin ko na ako ay magsisikap upang balang araw, maibalik ko sa inyo ang inyong kabaitan. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sanaysay Tungkol kay Papa at Mama" was written by Mary under the Literature category. It has been read 4845 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 19 November 2018.
Total comments : 0