Pero hindi ka tiyak. Dahil wala naman siyang pinanghahawakang ebidensya o titulo ng lupa.
Gustung gusto mong bilhin ang lupa pero nag-aalinlangan ka dahil hindi mo tiyak kung sino talaga ang may-ari ng lupang ito.
Paano mo ba malalaman kung sino talaga ang may-ari ng lupa?
Heto po ang mga hakbang na dapat gawin para matiyak mo kung sino talaga may-ari ng lupa:
Step 1
Kung may titulo ang lupa, humingi ka ng photo copy ng titulo at pumunta ka sa pinakamalapit na Registry of Deeds at magrequest ng Certified True Copy ng titulong ito. Ikumpara mo ang dalawang titulo. Tiyakin mo na pareho ang pangalan ng OWNER ng lupa, LOCATION ng lupa at SUKAT ng lupa. Kung pareho, natitiyak mo na yung pangalan na nakalagay sa TITULO as OWNER ang siyang may-ari ng lupa.Step 2
Kung wala talaga siyang titulo ng lupa, humingi ka ng Tax Declaration copy sa seller. Kelangan mong i-verify ang Tax Declaration sa City Assessor's Office. Kaya pumunta ka sa City Assessor's Office at mag-request ka ng latest Tax Declaration ng lupang iyong bibilhin. Tapos, ihambing ang Tax Declaration na binigay sa iyo ng seller at ang copy galing sa Assessor's Office. Kung tugma o pareho ang mga detalye (tulad ng pangalan ng may-ari ng lupa, location ng lupa, sukat ng lupa, mga boundaries ng lupa, etc.), dito mo matitiyak na ang pangalan ng OWNER ng property o lupa nakalagay sa Tax Declaration ang siyang talagang may-ari ng lupa.Step 3
Pwede mo ring makita sa ASSESSOR'S OFFICE ang blueprint map ng mga lupa sa nasabing lungsod o munisipyo. Dito mo rin makikita ang mga lupang nakapaligid o katabi ng lupang binebenta sa iyo. May mga LOT NUMBER na nakalagay sa mga lupang ito. At pwede mo i-request sa ASSESSOR'S OFFICE kung sino ang mga may-ari ng mga lupang ito. Optional lamang ang Step 3 na ito. Dinagdag ko lang ito para malaman niyo sino ang mga may-ari nga ng mga lupang katabi ng lupang ibinebenta sa iyo.May tanong po ba kayo? Ipost niyo lang po sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/