Home » Articles » Filipino

180+ Halimbawa ng Mga Sawikain at Kahulugan

Ano ang Sawikain?

Ang sawikain (idiom sa Ingles) ay salita o grupo ng mga salita na patalinghaga. Ito ay nagsasaad ng mga hindi tuwirang paglalarawan sa isang tao, bagay, pook o pangyayari.

Kadalasan, nagdadala ng aral at nagpapahiwatig ng damdamin ang sawikain. Sa halip na pangkaraniwan, malalalim na mga salita ang ginagamit sa sawikain.

Kahalagahan ng Sawikain

Ginagamit ang sawikain upang mabigyan ng diin (emphasis) ang sinasabi. Nagkakaroon ng kapangyarihan ang isang pahayag kung hinahaluan ito ng sawikain. Nagsisilbi itong "ice breaker" sa isang pahayag na nakakapukaw ng damdamin ng mga nakikinig o nagbabasa.

Ang sawikain ay tinatawag ding maikling matalinghagang pahayag (idiomatic expression).

Narito ang PINAKAMALAKING KOLEKSYON NG MGA SAWIKAIN, KAHULUGAN NITO, AT MGA HALIMBAWA KUNG PAANO GINAGAMIT SA PANGUNGUSAP:
180+ Sawikain at Kahulugan

180+ Sawikain at Kahulugan

  1. Abot-tanaw
    • Kahulugan: Naaabot ng tingin
    • Halimbawa: Kahit saang sulok ng mundo ka pumunta, abot-tanaw ka pa rin ng ating Panginoong Diyos.
  2. Agaw-buhay
    • Kahulugan: Naghihingalo; malapit nang mamatay; muntik nang maputulan ng hininga
    • Halimbawa: Pagkatapos malunod sa dagat si Cardo, nag-agaw-buhay siya nang dinala sa ospital.
  3. Agaw-dilim
    • Kahulugan: Malapit na ang gabi
    • Halimbawa: Agaw-dilim nang lumabas sa paaralan si Pangulong Rodrigo Duterte.
  4. Alilang-kanin
    • Kahulugan: Utusang walang bayad o katulong sa bahay na walang sweldo ngunit pinapakain
    • Halimbawa: Alilang-kanin lang si Michelle ng kanyang Tiya Sharon Cuneta.
  5. Amoy-pinipig
    • Kahulugan: Mabango
    • Halimbawa: Amoy-pinipig ang sexy star na si Kim Domingo.
  6. Amoy tsiko
    • Kahulugan: Lasing
    • Halimbawa: Amoy tsiko na si Tatay pagkatapos makipag-inuman sa kanyang mga kumpare.
  7. Anak-dalita
    • Kahulugan: Mahirap o anak ng mahirap na mga magulang
    • Halimbawa: Kahit anak-dalita lang ang kaklase kong si Boboy, tunay na kaibigan ko pa rin siya.
  8. Anak-pawis
    • Kahulugan: Trabahador, ordinaryong tao
    • Halimbawa: Anak-pawis ang tatay ni Bentong dahil nagtatrabaho lang siya sa pagawaan ng tsinelas.
  9. Asal hayop
    • Kahulugan: Masama ang ugali; parang hayop na hindi nakakikilala ng masama at mabuti
    • Halimbawa: Asal hayop ang kapatid ng asawa ni Ben. Ang daming walang kwenta at hindi totoo ang mga sinasabi.
  10. Balat-kalabaw
    • Kahulugan: Matapang ang hiya o makapal ang mukha
    • Halimbawa: Balat-kalabaw ka na talaga kahit noon pa. Kahit saang birthday at piyesta, andun ka.
  11. Balat-sibuyas
    • Kahulugan: maramdamin o sobrang sensitibo ang damdamin
    • Halimbawa: Hindi ka dapat maging Pangulo sa klase dahil balat-sibuyas ka.
  12. Balik-harap
    • Kahulugan: Taksil (mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.)
    • Halimbawa: Naging balik-harap si Hudas kay Jesus.
  13. Balitang kutsero
    • Kahulugan: Tsismis o Maling balita; Hindi totoong balita
    • Halimbawa: Mahilig magsasabi ng mga balitang kutsero si Aling Nena.
  14. Bantay-salakay
    • Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan
    • Halimbawa: Akala mo’y mabait ngunit bantay-salakay naman pala.
  15. Basa ang papel
    • Kahulugan: Bistado na
    • Halimbawa: Basa na ang papel ninyo kay Pangulong Duterte kaya huwag na kayong magpanggap pa. Maghintay na lang kayo sa inyong parusa.
  16. Malapad ang papel
    • Kahulugan: Maraming koneksyon (tao); maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong
    • Halimbawa: Malapad ang papel ni Mayor Duterte kaya madali niyang makuha ang mga impormasyong gusto niyang malaman.
  17. Bilang na ang araw
    • Kahulugan: Malapit ng mamatay
    • Halimbawa: Bilang na ang araw ni Lola Basyang.
  18. Buhok anghel
    • Kahulugan: May magandang buhok
    • Halimbawa: May buhok anghel si Sarah Geronimo dahil sa kanyang ginamit na shampoo.
  19. Bukal sa loob
    • Kahulugan: Taos puso o tapat
    • Halimbawa: Bukal sa loob ang pagtulong ni Bong Go sa kapwa.
  20. Bukang liwayway
    • Kahulugan: Malapit nang mag-umaga
    • Halimbawa: Pagkatapos makipaglamay si Mang Juan sa kanilang Lola, bukang- liwayway na siyang nakauwi.
  21. Bukas ang isip
    • Kahulugan: Tumatanggap ng opinyon ng kapwa; handang dinggin at tanggapin ang sinasabi ng iba (Open-minded)
    • Halimbawa: Mahusay na Presidente si Digong dahil bukas ang kanyang isip sa kanyang mga kaklase.
  22. Makitid ang isip o Makitid ang utak
    • Kahulugan: Bobo o Mahinang umunawa; walang gaanong nalalaman
    • Halimbawa: Sa lahat ng mga naging kaklase ko, si Bentong ang may makitid ang isip.
  23. Malawak ang isip
    • Kahulugan: Matalino o Madaling umunawa, maraming nalalaman
    • Halimbawa: Si Dolphy ang may malawak ang isip. Kaya siya naging Valedictorian sa skul.
  24. Bukas na kaban
    • Kahulugan: Matulungin sa mahihirap o Mapagkawanggawa
    • Halimbawa: May bukas na kaban si Lakas sa mga mahihirap.
  25. Bulaklak ng lipunan
    • Kahulugan: Sikat at respetadong babae sa lipunan
    • Halimbawa: Si Gloria Macapagal Arroyo ay itinuturing bulaklak ng lipunan.
  26. Bumangga sa pader
    • Kahulugan: Lumaban sa makapangyarihan at mayamang tao o gawin ang akala ng iba na imposibleng gawin.
    • Halimbawa: Kahit bumangga sa pader si Pangulong Duterte, gagawin niya ito para sa ikabubuti ng lahat lalo na ng mga kabataan sa hinaharap.
  27. Bungang-tulog
    • Kahulugan: Panaginip
    • Halimbawa: Nanalo ako ng 50 milyon sa Lotto! Bungang-tulog lang pala 'yon! Akala ko totoo!
  28. Bungang-araw
    • Kahulugan: Sakit sa balat (maliliit na bilog-bilog sa balat)
    • Halimbawa: Karaniwang dinadapuan ng mga bungang-araw ang mga kabataan tuwing "summer".
  29. Buntong hininga
    • Kahulugan: Himutok, hinagpis
    • Halimbawa: Napa-buntong hininga na lang si Cardo nang makita niyang binaril si Ganda.
  30. Busilak ang puso
    • Kahulugan: Malinis ang kalooban
    • Halimbawa: Busilak ang puso ng batang si Santino.
  31. Butas ang bulsa
    • Kahulugan: Walang pera
    • Halimbawa: Butas ang bulsa ni Mang Karyo kung kaya’t hindi siya nakabayad agad ng kuryente.
  32. Sukat ang bulsa
    • Kahulugan: Marunong gumamit ng pera; marunong mamahala ng ari-arian, kayamanan o investments
    • Halimbawa: Sukat ang bulsa ni Manny Pakyaw kaya lalo pa siyang yumayaman.
  33. Buto’t-balat
    • Kahulugan: Sobrang kapayatan
    • Halimbawa: Halos buto’t balat na si Buloy nang bisitahin namin sa bilangguan.
  34. Buwaya sa katihan
    • Kahulugan: Ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
    • Halimbawa: Lalong yumayaman si Mang Bombay sa pagiging buwaya sa katihan.
  35. Di mahapayang gatang
    • Kahulugan: Sobrang yabang
    • Halimbawa: Dahil sa pagiging di mahapayang gatang ni Ruben, sinuntok siya ng kainuman niya kagabi.
  36. Di makabasag-pinggan
    • Kahulugan: Mahinhin
    • Halimbawa: Sadya namang di makabasag pinggan iyang anak ni Feliciana.
  37. Di malaglagang karayom o Di mahulugang karayom
    • Kahulugan: Napakaraming tao
    • Halimbawa: Di malaglagang karayom ang rally kahapon.
  38. Galit sa pera
    • Kahulugan: Gastador
    • Halimbawa: Parang laging galit sa pera ang asawa ni Kathy tuwing araw ng swelduhan.
  39. Ginintuang tinig
    • Kahulugan: Maganda ang boses
    • Halimbawa: May ginintuang tinig si Myrna kaya laging nananalo sa "singing contest".
  40. Guhit ng tadhana
    • Kahulugan: Itinakdang kapalaran
    • Halimbawa: Siya yung babae na guhit ng aking tadhana.
  41. Halang ang kaluluwa
    • Kahulugan: Masamang tao
    • Halimbawa: Halang ang kaluluwa ng taong nang-rape sa isang matandang lola.
  42. Halang ang bituka
    • Kahulugan: Salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao
    • Halimbawa: Kapag naka-shabu ka, magiging halang ang bituka mo sa paggawa krimen.
  43. Mahapdi ang bituka
    • Kahulugan: Nagugutom
    • Halimbawa: Kanina pa tayo nag-aantay ng kainan sa birthday party na ito. Sobrang tagal. Mahapdi na ang bituka ko.
  44. Hampas ng langit
    • Kahulugan: Ngitngit ng Diyos
    • Halimbawa: Dahil sa kasamaan na ginawa mo nung una, narito pinaramdam sa iyo ngayon ang hampas ng langit.
  45. Hampas-lupa
    • Kahulugan: Lagalag, busabos
    • Halimbawa: Ang hampas-lupang kagaya ni Dan ay di nababagay sa ganda at yaman ni Marian.
  46. Hawak sa leeg
    • Kahulugan: Sunud-sunuran
    • Halimbawa: Palibhasa’y hawak sa leeg ng kanyang amo kaya kahit anong iutos ay sinusunod ni Inday.
  47. Hindi madapuan ng langaw
    • Kahulugan: Sobrang pinoprotektahan
    • Halimbawa: Hindi madapuan ng langaw ang batang iyan.
  48. Ibong mandaragit
    • Kahulugan: Mananakop
    • Halimbawa: Napakaraming ibong mandaragit ang umaali-aligid sa bansa natin.
  49. Ilaw ng tahanan
    • Kahulugan: Ina o Nanay
    • Halimbawa: Mahal na mahal ko ang aking ilaw ng tahanan.
  50. Haligi ng tahanan
    • Kahulugan: Ama o Tatay
    • Halimbawa: Sobrang sipag ng aming haligi ng tahanan kaya hindi kami nagugutom dahil meron siyang iniipon para sa panahon ng aming pangangailangan.
  51. Isang bulate na lang ang hindi pumipirma
    • Kahulugan: malapit ng mamatay
    • Halimbawa: Isang bulate na lang ang hindi pumipirma kay Lola Basyang.
  52. Isang kahig, isang tuka
    • Kahulugan: Nabubuhay sa hirap
    • Halimbawa: Ang pamilya niya’y isang kahig, isang tuka.
  53. Itaga sa bato
    • Kahulugan: Tandaan
    • Halimbawa: Hindi na ako babalik dito kahit kailan. Itaga mo yan sa bato!
  54. Isulat sa tubig
    • Kahulugan: Kalimutan
    • Halimbawa: Isulat mo na lang sa bibig lahat ng napag-usapan natin kanina.
  55. Itim na tupa
    • Kahulugan: Masamang anak
    • Halimbawa: Itinuturing na itim na tupa si Pokwang ng kanyang nanay.
  56. Kakaning-itik
    • Kahulugan: Walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
    • Halimbawa: Kakaning-itik kung ituring ni Mang Kepweng ang kanyang pamangkin.
  57. Kalapating mababa ang lipad
    • Kahulugan: Babaeng nagbibili ng aliw
    • Halimbawa: Kayraming kalapating mababa ang lipad ang naglakad sa lansangan ng Maynila.
  58. Kape at gatas
    • Kahulugan: Maitim at maputi
    • Halimbawa: Nang aking pagkumparahin, kape’t gatas pala ang kulay nina Petra at George.
  59. Kapit tuko
    • Kahulugan: Mahigpit ang hawak
    • Halimbawa: Kapit tuko naman iyang si Vilma sa kanyang asawa.
  60. Kidlat sa bilis
    • Kahulugan: Napakabilis
    • Halimbawa: Kidlat sa bilis kumalat sa ibang barangay yung tsismis tungkol sa iyo .
  61. Kilos pagong
    • Kahulugan: Mabagal kumilos
    • Halimbawa: Kilos pagong kasi si Tonyo kaya nahuli sa klase.
  62. Kumukulo ang sikmura
    • Kahulugan: Nagugutom
    • Halimbawa: Hindi ako nag-agahan kaya kumukulo ang sikmura ko ngayon.
  63. Kutsarang ginto sa bibig
    • Kahulugan: Lumaki sa yaman
    • Halimbawa: Palibhasa’y lumaking may kutsarang ginto sa bibig kaya hindi siya namomroblema sa mga bayarin.
  64. Lahing kuwago
    • Kahulugan: Sa umaga natutulog
    • Halimbawa: Marami sa mga call center agent ay mga lahing kwago. Umaga na natutulog.
  65. Lakad pagong
    • Kahulugan: Sobrang bagal na pag-usad tao man o sasakyan
    • Halimbawa: Pambihirang trapik yan, lakad pagong!
  66. Laman ng lansangan
    • Kahulugan: Laging istambay sa kalye
    • Halimbawa: Drug addict si Botsokoy kaya siya laman ng lansangan.
  67. Lamog ang katawan
    • Kahulugan: Sobrang pagod
    • Halimbawa: Napaka-daming trabaho sa opisina kaya lamog ang katawan ni Osang pag-uwi ng bahay.
  68. Lantang gulay
    • Kahulugan: Halos hindi na maigalaw ang katawan sa sobrang pagod
    • Halimbawa: Ang layo ng tinakbo nya kaya lantang gulay na siya ng matapos ang "marathon".
  69. Lawit ang dila
    • Kahulugan: Sobrang pagod
    • Halimbawa: Lawit ang dila ni Kurdapya pagkauwi galing "school".
  70. Laylay ang balikat
    • Kahulugan: Bigong-bigo
    • Halimbawa: Laylay ang balikat ni Sharon dahil hindi siya nanalo sa "singing competition".
  71. Luha ng buwaya
    • Kahulugan: Hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang-tao
    • Halimbawa: Akala mo’y totoo pero luha ng buwaya lang naman ang ipinakita niya.
  72. Lumagay sa tahimik
    • Kahulugan: Nagpakasal, nag-asawa
    • Halimbawa: Mula ng lumagay sa tahimik si Isko, di na siya muling ginambala pa ni Baste.
  73. Lumuha man ng bato
    • Kahulugan: Hindi mapatawad
    • Halimbawa: Kahit pa lumuha man ng bato si Leni ay hindi na magbabago ang desisyon ni Ashley.
  74. Maamong kordero
    • Kahulugan: Mabait na tao
    • Halimbawa: Mga maamong kordero talaga ang mga pari dahil sa sobrang pagmamahal nila sa Diyos at sa tao.
  75. Mababaw ang luha
    • Kahulugan: Iyakin
    • Halimbawa: Bata pa yan, ganyan na talaga si Junjun. Mababaw ang luha niyan.
  76. Mabigat ang dugo
    • Kahulugan: Di makagiliwan
    • Halimbawa: Mabigat ang dugo ni Vic sa kanyang manugang.
  77. Kumukulo ang dugo
    • Kahulugan: Naiinis, nasusuklam
    • Halimbawa: Sa tuwing nakikita ko pagmumukha at mayabang na asta niya, kumukulo ang dugo ko sa kanya.
  78. Magaan ang dugo
    • Kahulugan: Madaling makapalagayan ng loob
    • Halimbawa: Magaan ang dugo ni Pastor Eddie sa mga kapatiran niya sa kanyang simbahan.
  79. Maitim ang dugo
    • Kahulugan: Salbahe, tampalasan
    • Halimbawa: Sa lahat ng mga kapatid ni Taloy, si Tiyoy ang may maitim ang dugo.
  80. Magaan ang kamay
    • Kahulugan: Laging nananakit
    • Halimbawa: Masyadong magaan ang kamay ni Piloy sa kanyang mga anak.
  81. Mabigat ang kamay
    • Kahulugan: Tamad magtrabaho
    • Halimbawa: Kailangan mong intindihin kapag nagkaroon ka ng Tatay na mabigat ang kamay.
  82. Mabilis ang kamay
    • Kahulugan: Mandurukot
    • Halimbawa: Nung panahon ni Presidente Ninoy Aquino, marami ang mga mabilis ang kamay sa Colon, Cebu City.
  83. Malikot ang kamay
    • Kahulugan: Kumukuha ng hindi kanya, kawatan
    • Halimbawa: Kung alam ko lang na malikot ang kamay ni Pacita, di ko na sana siya kinaibigan.
  84. Magaling ang kamay
    • Kahulugan: Mahusay gumuhit o magpinta
    • Halimbawa: Bihira lang ang taong may magaling ang kamay.
  85. Magdilang-anghel
    • Kahulugan: Magkatotoo sana
    • Halimbawa: Magdilang anghel ka sana na manalo ako ng 50-milyon sa lotto.
  86. Magkataling-puso
    • Kahulugan: Nag-iibigan, mag-asawa
    • Halimbawa: Hindi niyo ba alam na matagal ng magkataling-puso sina Cardo at Alyana?
  87. Mahabang dulang
    • Kahulugan: Kasalan
    • Halimbawa: Nalalapit na ang mahabang dulang nina Julia Montes at Coco Martin.
  88. Maitim ang budhi
    • Kahulugan: Tuso, masama ang ugali
    • Halimbawa: Maitim ang budhi ng babaeng iyan!
  89. Makapal ang bulsa
    • Kahulugan: Mapera, mayaman
    • Halimbawa: Lagi na lang kumakain sa mga mamahaling restaurants si sir Lucio Tan dahil makapal ang bulsa niya.
  90. Makapal ang palad
    • Kahulugan: Masipag
    • Halimbawa: Makapal ang palad ni Manny Pangilinan kaya ang layo na ng narating niya ngayon.
  91. Makapal ang mukha
    • Kahulugan: Walang hiya
    • Halimbawa: Pinagalitan na siya ni Maam pero makapal pa rin ang mukha niya na makipagsagutan kay Maam.
  92. Manipis ang mukha
    • Kahulugan: Mahiyain
    • Halimbawa: Manipis ang mukha ni Jenny. Takot siyang pagtawanan ng mga kaklase niya.
  93. Maaliwalas ang mukha
    • Kahulugan: Masayahin, taong palangiti
    • Halimbawa: Hindi niyo ba alam na sa totoong buhay ay maaliwalas ang mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte?
  94. Madilim ang mukha
    • Kahulugan: Nakasimangot, Problemado
    • Halimbawa: Madilim ang mukha ni Vice President Leni Robredo dahil sa sinabi ni President Rodrigo Duterte.
  95. Dalawa ang mukha
    • Kahulugan: Taksil, Kabilanin, Balik-harap
    • Halimbawa: Hindi maiiwasan na meron talagang dalawa ang mukha sa grupo niyo.
  96. Malakas ang loob
    • Kahulugan: Magiting, matapang, buo ang loob
    • Halimbawa: Malakas ang loob ng mga sundalo na humarap sa mga rebelde.
  97. Mahina ang loob
    • Kahulugan: Duwag
    • Halimbawa: Walang puwang sa politika ang mga mahihina ang loob.
  98. Mababa ang loob
    • Kahulugan: Mas inuuna ang kapakanan ng iba; Maawain
    • Halimbawa: Mababa ang loob ng mga pari sa Sto. Niño Church.
  99. Masama ang loob
    • Kahulugan: Nagdaramdam
    • Halimbawa: Masama ang loob ni Bobita sa nangyari sa pag-atake sa puso ng kanyang Tatay.
  100. Mabigat ang loob
    • Kahulugan: Di makagiliwan; walang gana
    • Halimbawa: Mabigat ang loob ng mga taong nasalanta ng Bagyong Yolanda.
  101. Mapait na lunukin
    • Kahulugan: Kahiya-hiyang pagkabigo
    • Halimbawa: Mapait na lunukin ang pagkatalo ni Bongbong Marcos sa pagka-Vice President ng Pilipinas.
  102. Mapurol ang utak
    • Kahulugan: Bobo
    • Halimbawa: Mapurol ang utak ni Wangbu kaya nakailang balik na siya sa Grade 4.
  103. Masama ang panahon
    • Kahulugan: May bagyo
    • Halimbawa: Masama ang panahon kaya walang pasok ngayon.
  104. Matalas ang tainga
    • Kahulugan: Madaling makarinig o makaulinig
    • Halimbawa: Matalas ang tainga ng pusa ni Minda.
  105. Matalas ang ulo o Matalas ang utak
    • Kahulugan: Matalino
    • Halimbawa: Masaya ako dahil matalas ang ulo ng aking anak.
  106. Mahangin ang ulo
    • Kahulugan: Mayabang
    • Halimbawa: Nasaan na ang taong mahangin ang ulo? Turuan ng leksyon yan.
  107. Malamig ang ulo
    • Kahulugan: Maganda ang "mood", nasa magandang kondisyon ang pakiramdam
    • Halimbawa: Malamig ang ulo ng asawa ni Ben ngayon. Nag-away sila kahapon.
  108. Mainit ang ulo
    • Kahulugan: hindi maganda ang "mood", magalitin
    • Halimbawa: Mainit ang ulo ni Aling Kusing dahil marami ang hindi nagbayad ng utang sa kanya.
  109. Lumaki ang ulo
    • Kahulugan: Nagyayabang dahil sa nakamit na tagumpay o pangarap
    • Halimbawa: Lumaki ang ulo niya dahil tumaas ang posisyon at sweldo niya sa trabaho.
  110. Matigas ang ulo
    • Kahulugan: Ayaw makinig sa pangaral o utos
    • Halimbawa: Matigas talaga ang ulo ng batang yan. Ayaw makinig kaya tuloy nasagasaan ng sasakyan.
  111. Basag-ulo
    • Kahulugan: Mahilig makipag-away
    • Halimbawa: Sinuntok ni Cardo ang tatlong basag-ulo na mahilig sa inuman sa kanto.
  112. May ipot sa ulo
    • Kahulugan: Taong pinagtaksilan ng asawa
    • Halimbawa: May ipot siya sa ulo. Nagsisikap magtrabaho sa labas ng bansa pero yung asawa dito sa bansa nakipaglindian sa ibang lalaki.
  113. Matandang kalabaw
    • Kahulugan: Taong may edad na
    • Halimbawa: Kahit matandang kalabaw nang ituring ang tatay ni Pedro ay sige pa rin ito sa pagtatrabaho.
  114. Nag-aapoy sa init
    • Kahulugan: Mataas na mataas ang lagnat
    • Halimbawa: Nag-aapoy sa init na ang bata bago pa man dalhin sa ospital.
  115. Nagbibilang ng poste
    • Kahulugan: Walang trabaho
    • Halimbawa: Nagbibilang ng poste si Tokmol kung kaya bukas ay sasama ako sa kanya.
  116. Nagmumurang kamatis
    • Kahulugan: Matandang lalaking nag-aayos binata, matandang babae nag-aayos dalaga
    • Halimbawa: Kung maka-porma iyang si Lucia akala mo’y nagmumurang kamatis.
  117. Nagsusunog ng kilay
    • Kahulugan: Masipag mag-aral
    • Halimbawa: Laging nagsusunog ng kilay si Jose kung kaya nakatanggap siya ng maraming parangal.
  118. Nakahiga sa salapi
    • Kahulugan: Mayaman
    • Halimbawa: Mabuti pa si Lando lumaking nakahiga sa salapi kaya hindi na niya kaylangang maghanap ng trabaho.
  119. Namamangka sa dalawang ilog
    • Kahulugan: Salawahan
    • Halimbawa: Hindi ko maintindihan kung bakit namamangka sa dalawang ilog itong si Puloy kahit maganda naman at mabait ang kanyang asawa.
  120. Naniningalang-pugad
    • Kahulugan: Nanliligaw
    • Halimbawa: Naniningalang-pugad na naman si Cardo kay Alyana.
  121. Nagbukas ng dibdib
    • Kahulugan: Nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan
    • Halimbawa: Nagbukas ng dibdib si Cardo para kay Alyana.
  122. Pag-iisang dibdib
    • Kahulugan: Kasal
    • Halimbawa: Ang pag-iisang dibdib na inaasam ni Bosyo ay magaganap na bukas.
  123. Kabiyak ng dibdib
    • Kahulugan: Asawa
    • Halimbawa: Si Cardo pala ang kabiyak ng dibdib ni Elsa.
  124. Daga sa dibdib
    • Kahulugan: Takot
    • Halimbawa: Nagkaroon ng daga sa dibdib si Elena matapos mabaril ang kanyang asawa kahapon.
  125. Pagputi ng uwak
    • Kahulugan: Walang maaasahan, walang kahihinatnan
    • Halimbawa: Babayaran ka rin nya sa kanyang pagkakautang pagputi ng uwak.
  126. Panakip butas
    • Kahulugan: Panghalili, pamalit
    • Halimbawa: Akala mo totoong mahal ka niya pero panakip butas ka lang pala.
  127. Pantay ang mga paa
    • Kahulugan: patay na
    • Halimbawa: Naawa ako sa mga anak ni Maria ng malaman kong pantay na ang mga paa niya.
  128. Makati ang paa
    • Kahulugan: Mahilig gumala
    • Halimbawa: Makati ang paa ni Bulilit kahit wala namang pera.
  129. Parang aso’t pusa
    • Kahulugan: Laging nag-aaway
    • Halimbawa: Parang aso’t pusa ang mag-asawang si Tikoy at Perla. Gabi-gabi na lang nag-aaway.
  130. Parang kiti-kiti
    • Kahulugan: Malikot, galaw nang galaw
    • Halimbawa: Nung makita niya crush niya sa school, para na siyang kiti-kiti.
  131. Patabaing baboy
    • Kahulugan: Walang hilig magtrabaho, tamad
    • Halimbawa: Patabaing baboy yung Tatay ng asawa niya.
  132. Pusong mamon
    • Kahulugan: Maramdamin
    • Halimbawa: Hindi ko na sana biniro si Bong kung alam ko lang na pusong mamon pala siya.
  133. Pusong-bakal
    • Kahulugan: Hindi marunong magpatawad
    • Halimbawa: Namatay na ang mga salarin ngunit pusong-bakal pa rin si Alfred.
  134. Putok sa buho
    • Kahulugan: anak sa labas, anak ng taong nagsama ng hindi kasal
    • Halimbawa: Nakakaawa talaga ang batang putok sa buho.
  135. Sira ang ulo o Sira ang tuktok
    • Kahulugan: Gago, loko-loko
    • Halimbawa: Hindi na nakakapagtaka kung may ginawa siyang hindi maganda. Palibhasa’y sira ang tuktok.
  136. Takaw-tulog
    • Kahulugan: Mahilig matulog
    • Halimbawa: Takaw-tulog si Juan Tam-ad.
  137. Tengang kawali
    • Kahulugan: Nagbibingi-bingihan
    • Halimbawa: Nagtetengang-kawali na naman si Boyet kahit pasigaw na tinatawag siya ng kanyang Nanay.
  138. Tinik sa lalamunan
    • Kahulugan: Hadlang sa layunin
    • Halimbawa: Huwag kang maging tinik sa lalamunan. Gusto kong pakasalan si Leni.
  139. Tulak ng bibig
    • Kahulugan: Salita lamang, di tunay sa loob
    • Halimbawa: Puro tulak ng bibig lamang naman ang alam ni Eya.
  140. Dalawa ang bibig
    • Kahulugan: Mabunganga o madaldal
    • Halimbawa: Kahit dalawa ang bibig ni Ethel, mahal ko pa rin siya.
  141. Utak-biya
    • Kahulugan: Walang nalalaman
    • Halimbawa: Kung makapag-salita akala mo’y maraming alam pero utak-biya naman.
  142. Walang bahid
    • Kahulugan: Walang maipipintas
    • Halimbawa: Sadyang mababait at walang bahid ang pamilya ni Lanie.
  143. Nagbabatak ng buto
    • Kahulugan: Nagtatrabaho nang higit sa kinakailangan; sobrang sipag magtrabaho
    • Halimbawa: Nagbabatak ng buto si George para matustusan ang pag-aaral ng walong anak niya.
  144. Matigas ang buto
    • Kahulugan: Malakas
    • Halimbawa: Sobrang tigas ng buto ni Kulas. Kahit motorsiklo kaya niyang buhatin.
  145. Kidlat sa bilis
    • Kahulugan: Sobrang bilis
    • Halimbawa: Kidlat sa bilis si Rodrigo sa pagsagot sa 100-item exam.
  146. Kusang palo
    • Kahulugan: Sariling sipag
    • Halimbawa: Sa sariling palo galing yung kayamanan ng pamilya ng pinakamayan na tao sa Pilipinas na si Henry Sy.
  147. Bulaklak ng dila
    • Kahulugan: Pagpapalabis sa katotohanan
    • Halimbawa: Maraming mga news reporter ngayon ang may bulaklak ng dila.
  148. Makati ang dila
    • Kahulugan: Madaldal; mahilig pumuna
    • Halimbawa: Makati talaga ang dila ng mga oposisyon ni Pangulong Duterte. Kahit kunting pagkakamali, pinapalaki.
  149. Matalas ang dila
    • Kahulugan: Masakit magsalita
    • Halimbawa: Matalas ang dila ng tatay ni Paolo kaya ganyan siya ka-disiplinado.
  150. Maanghang ang dila
    • Kahulugan: bastos magsalita
    • Halimbawa: Ang anghang ng dila ni Choba! Akala mo kung sino!
  151. Matamis ang dila
    • Kahulugan: Magaling manghikayat
    • Halimbawa: Kadalasan, matamis talaga ang dila ng mga real estate agent at tsaka mga insurance agent. Sasabihin nila lahat ng magagandang salita sa kliyente nila.
  152. Kaututang dila
    • Kahulugan: Katsisman
    • Halimbawa: Kaututang dila ko na yan si Aling Berta simula nung bata pa kami.
  153. Sanga-sangang dila
    • Kahulugan: Sinungaling
    • Halimbawa: Akala mo totoo ang inaalok na produktong binebenta sa Facebook pero sangang dila pala yang "seller" na yan.
  154. May krus ang dila
    • Kahulugan: Nakapanghihimatong, taong may alam sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap
    • Halimbawa: May krus ang dila ni Father Nestor. 
  155. Makalaglag-matsing
    • Kahulugan: Nakakaakit
    • Halimbawa: Makalaglag matsing yung palabas ng gwapong si Cardo at ng magandang si Alyana.
  156. Makuskos-balungos
    • Kahulugan: Mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin
    • Halimbawa: Makuskos-balungos talaga titser namin. Nahihirapan talaga kami sa klase.
  157. Mahaba ang buntot
    • Kahulugan: Laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe
    • Halimbawa: Palibhasa galing kasi sa mayamang pamilya, mahaba ang buntot ni Carmen. Binibigay ng daddy niya lahat ng gusto niya.
  158. May magandang hinaharap
    • Kahulugan: May magandang kinabukasan
    • Halimbawa: Mabait at mapagkumbaba si Sir Eddie. Tiyak may magandang hinaharap siya.
  159. May sinasabi
    • Kahulugan: Mahusay, Magaling, May maipagmamalaki, Mayaman, May likas na talino
    • Halimbawa: May sinasabi itong anak ni Kris Aquino. Ang yaman at ang talino pa.
  160. Matalas ang mata
    • Kahulugan: Madaling makakita
    • Halimbawa: Itong si Cesar Montano, matalas ang mata pagdating sa "chicks".
  161. Tatlo ang mata
    • Kahulugan: Maraming nakikita, mapaghanap ng mali
    • Halimbawa: Tatlo ang mata ng titser namin. Kunting pagkakamali lang namin, pinapagalitan kami agad.
  162. Namuti ang mata
    • Kahulugan: Nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay
    • Halimbawa: Ang tagal niyong dumating! Namuti na ang mata ko sa kahihintay.
  163. Matigas ang leeg
    • Kahulugan: Mapagmataas, di namamansin
    • Halimbawa: Nakapagtrabaho ka lang ng bangko, matigas na ang leeg mo.
  164. Matigas ang katawan
    • Kahulugan: Tamad
    • Halimbawa: Ang tigas ng katawan ni Goryo. Buong araw, ayaw magtrabaho. Lagi na lang nanonood ng TV.
  165. Ningas-kugon
    • Kahulugan: Mabuti sa simula pero sa hindi maganda sa katagalan; Panandalian, Di pang-matagalan
    • Halimbawa: Yang bagong kaklase natin. Ningas-kugon lang ang pagiging masipag niyan.
  166. Panis ang laway
    • Kahulugan: Taong di-palakibo
    • Halimbawa: Ito namang si Tikboy panis ang laway. Kanina pa to nakaupo dito. Hindi umiimik.
  167. Pagkagat ng dilim
    • Kahulugan: Paglubog ng araw
    • Halimbawa: Sabi ng mga matatanda, ang mga aswang, tikbalang at mga halimaw gumigising pagkagat ng dilim.
  168. Patay-gutom
    • Kahulugan: Matakaw
    • Halimbawa: Hoy, Tabachoy! Hindi mo ako tinirhan ng ulam. Patay-gutom ka talaga!
  169. Pulot-gata
    • Kahulugan: Pagtatalik ng bagong kasal (honeymoon)
    • Halimbawa: Honey, sa wakas tapos na ang kasal natin! Excited na akong mag pulot-gata mamayang gabi!
  170. Nagpupusa
    • Kahulugan: Nagsasabi ng mga kwento ukol sa isang tao
    • Halimbawa: Kadalasan sa mga matatandang babae, mahilig magpupusa. Ang iba nakakasakit na ng damdamin ng ibang tao.
  171. Saling-pusa
    • Kahulugan: Pansamantalang kasali sa laro o trabaho
    • Halimbawa: Kawawa naman si Boy, saling-pusa lang siya sa trabaho natin. Ang dami ng anak na pinapakain niyan.
  172. Sampid-bakod
    • Kahulugan: Nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
    • Halimbawa: Sampid-bakod lang kami dito sa tahanan ng aming ante Mercy. Wala na kasi kaming mga magulang.
  173. Samaing-palad
    • Kahulugan: Malas na tao
    • Halimbawa: Sunod-sunod na trahedya ang nangyari sa buhay ni Mayor Ricardo Parojinog. Naging samaing-palad siya nung pagtungtung ni Pangulong Duterte.
  174. Sampay-bakod
    • Kahulugan: taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi
    • Halimbawa: Mag-ingat kayo sa mga taong sampay-bakod.
  175. Takipsilim
    • Kahulugan: Paglubog ng araw
    • Halimbawa: Takipsilim na nang umuwi si Empoy galing sa trabaho.
  176. Talusaling
    • Kahulugan: Manipis ang balat
    • Halimbawa: Huwag kang masyadong magbilad sa araw kasi sabi ni Inay talusaling ka raw.
  177. Talusira
    • Kahulugan: Madaling magbago
    • Halimbawa: Hindi magandang gawing presidente ang isang talusira. Kelangan natin isang pangulo na may isang salita.
  178. Tawang-aso
    • Kahulugan: Nagmamayabang
    • Halimbawa: Nakabili lang ng bagong sasakyan si Pikoy, nagtatawang-aso na.
  179. Maputi ang tainga
    • Kahulugan: Kuripot
    • Halimbawa: Sabi ng Mama ko, ang mga intsik daw kaya sila yumayaman dahil mapuputi daw ang kanilang tainga.
  180. Nakapinid ang tainga
    • Kahulugan: Nagbibingi-bingihan
    • Halimbawa: Nakapinid ang tainga ni Gongong nung pinagalitan siya ni Digong.
  181. Taingang kawali
    • Kahulugan: Nagbibingi-bingihan
    • Halimbawa: Nag taingang-kawali si Philip nung inutusan siya ni Nanay.
  182. Utang na loob
    • Kahulugan: malaking pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man
    • Halimbawa: Utang na loob ang buhay ko sa iyo dahil sa tulong na binigay mo.
  183. Dapit-hapon
    • Kahulugan: Malapit ng dumapo ang hapon
    • Halimbawa: Bilisan mo ang trabaho mo dahil mag dadapit-hapon na.

Nagustuhan niyo ba ang mga sawikaing ito? Meron pa ba kayong mga sawikain na nais idagdag sa listahan sa itaas? Ipost lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"180+ Halimbawa ng Mga Sawikain at Kahulugan" was written by Mary under the Filipino category. It has been read 84296 times and generated 3 comments. The article was created on and updated on 13 July 2018.
Total comments : 3
Oodhud [Entry]

lipitor 20mg for sale <a href="https://lipiws.top/">lipitor 40mg sale</a> lipitor 40mg oral
JEEM [Entry]

its very helpful

i like it
JEEM [Entry]

k;ljkjaksjlfjkjklmkla;jmf